"Bakit ang dami mo namang biniling pagkain? Masyado ka nang madaming binili. Sa tingin ko malaki na ang nagastos mo. Siguro kulang pa ang sahod ko pambayad diyan sa mga nabili mo," sabi ko kay Cloud pero ngiti lang ang sinagot niya. Napakarami ba naman kasi niyang grinocery para sa amin. Uuwi na kasi ako sa bahay ngayon. Panigurado galit na galit sa akin si Mama pero bahala na. Nang makarating kami sa bahay, nakapamaywang si Mama sa may gate. Namilog ang mata niya nang makita niya si Cloud na may mga dalang grocery. Halata sa mukha niya na masaya siya. Kilala ko si Mama. Kapag may pakinabang sa kaniya ang tao ay talaga namang halos mawasak na ang bibig niya sa lawak ng ngiti niya. "Magandang araw po, Tita," sabi ni Cloud kay Mama. "Magandang araw rin sa iyo. Napakagwapo mo naman. Sin

