Pinatawag ako ni Boss Rodulf. Siya ang humahawak sa amin at kanang kamay niya ako dahil na rin sa malinis akong magtrabaho. Kapag inutusan niya ako, talagang sumusunod ako at maayos ang kinalalabasan ng bawat taong gusto niyang ipapatay sa akin. Talaga namang walang ebidensya akong iniiwan at dahil tinatawag niya ako, alam ko na may iuutos siya sa aking patayin. Huminto ang sasakyan ko sa malawak na garahe mula sa kaniyang mansyon. Nag-bow sa akin ang mga taong nakakasalubong ko dahil sa totoo lang mataas ang posisyon ko dito dahil ako nga ang kanang kamay ni Boss Rodulf. Dire-diretso akong pumasok sa opisina niya at ngumisi siya nang makita niya ako. "Kumusta ang araw mo Cloud?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako. "Maayos naman po at kasalukuyan akong nasa store para samahan ang empleyad

