I BREATHED IN DEEPLY AND SMILED. Kahit pa sobrang kinakabahan talaga ay nilakasan ko ang loob ko para sa asawa ko. Para mapasaya ko siya. Kasabay ng pagpitik sa gitara at ang marahang paghampas sa drum ay ang pagbitaw ko rin sa liriko ng kantang iaalay ko para sa asawa ko. I have decided to sing the song Forever by The Ambassador. I don’t know why but I really like the lyrics of this song. I mean, for me it says a lot about the love that I have for my wife. At ang bawat pagbigkas ko sa liriko ay damang dama ko. Nakakatuwa pa na kahit medyo madilim sa ka-buo-an ng bar ay pareho kaming titig na titig ng asawa ko sa mata ng isa’t isa. Ramdam ko sa mata niya na naa-appreciate niya itong ginagawa ko. Kaya naman mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko dala na rin ng excitement. Hindi ko alam k

