MARAHAN KONG HINAPLOS ANG MUKHA NG ASAWA KO. I don’t know why but I really love to watch her while she’s asleep. Napakapayapa ng hitsura niya. At kahit pa masarap ang tulog niya at bahagyang humihilik ay sobrang ganda pa rin niya para sa akin. Pagkatapos kasi naming kumain ng mirienda kanina ay nagpasya muna kaming magpahinga at matulog sa kahit na saglit na oras lang. Ang mga kasama naman namin na sina Lando, Joy, Mario at Luigi ay nagpaalam na lalabas para makapag-picture taking na at mag-swimming muna raw. Hinayaan na lang namin sila. We are here to enjoy, anyways. Kung hindi lang din ako pagod sa mahabang biyahe mula Tarlac papuntang Pangasinan ay baka sumama ako sa kanila. Mga alas cinco naman nang magising ako. Ang isa at hanggang sa dalawang oras na pahinga ay hindi na rin masama

