CHAPTER 5

2135 Words
Hindi na ako nakauwi dahil sa sobrang nakakaiyak ay nakatulog ako, pakiramdam ko parang wala na akong gana sa lahat ng bagay. Kahit pa mabuhay parang nakakawalang gana na. Kulang pa ba ang mga taon na magkasama kami na nanatili ako sa tabi niya? Inalagaan at minahal siya ng sobra, higit sa sarili ko. Hindi ko na pigil ang luha na umaagos mula sa aking mata. Walang humpay ang luha na umaagos sa aking mga pisngi mula sa aking mga mata. Bumangon ako at nagpunta sa kusina sa bahay ni Auntie Mench. kumakalam na kasi ang sikmura ko. I felt excited nung nakita ko na may strawberry jam sa refrigerator. Kinuha ko pati na yung slice bread doon. I don't feel sipping coffee right now. Nag lakad ako pabalik sa may sala. Naupo ako doon hindi ko maintindihan ang sarili ko na parang sabik na sabik ako sa pagkain. Naglagay ako ng jam sa tinapay. "Hmmm yam!" Tagal ko ng di nakaka uwi dito kay Auntie Mench. "Good morning ati." bati ni Tetay na nakapasok palang dito. "Nasaan si Auntie?" tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam ati, ang huling sabi niya ay lalabas lang daw siya saglit." paliwanag niyang sagot. Tumango ako at lumakad paakyat sa kwarto ko, hindi padin tinatanggal ni Auntie ang kwarto ko dito nandoon pa rin ang mga gamit ko. Nagpalit ako ng damit. Uuwi muna ako sa bahay namin ni Kojic para makuha ko yung laptop at mga ibang papeles na kailangan ko sa trabaho. Pagbaba ko hinanap ko si Tetay para mag paalam na aalis muna ako, hindi ko na dinala ang sasakyan ko mag cab na lang ako. Pag labas ko ay nandoon na agad ito. I want to get away from him. Gusto ko na ng tahimik na buhay it means away from him and without him. Sobrang sakit sa puso at sobra nakakabaliw ang mag isip na mag isip ng walang humpay bumabalik saking isipan ang mga nakita ko kahapon. “Ma'am nandito na ho." sabi niya. Nakatabi na ang sasakyan. Nag abot ako ng bayad tsaka bumaba. Nandoon pa ang sasakyan niya hindi pa sya nakaka alis. I get my keys pumasok ako sa loob ng bahay. Tahimik dito, umakyat ako sa kwarto namin para ayusin ang mga kailangan ko kunin ang mga gamit. Pag bukas ko ng pinto sumalubong sakin ang magulong kama. Rinig ko yung mga kaluskos mula sa may bathroom. Naliligo ata ito. Hinanap ko na yung mga kailangan kong kunin. Paikot ikot ako doon para makolekta lahat ng kinakailangan kong gamit. Narinig ko na bumukas na yung pinto. “Honey, where have you been?" tanong niya na parang wala lang. Patuloy lang ako sa ginagawa ko, ramdam ko ang bigat ng aking kalooban. I need to be strong. Kung makapag tanong siya parang walang nangyari kagabi at parang wala lang iyon sa kanya. Nakalimot agad siya? Ganun ganun na lang ba? Panay ako lagay ng gamit sa loob ng bag ko. "HINDI KA AALIS!" sigaw niya saking harapan. Anong akala niya ay matatakot o mapipigilan niya ako sa pag alis ko. Iniiwasan ko ang tingin niya sa akin. Pinipigilan niya akong mag empake, pilit nyang inaagaw yung mga gamit ko. "TIGILAN MO AKO!" madiin na sabi ko. Punong puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon. Magmamadali akong inilagay ulit yung mga inilabas niya. Bakit ba pinipigilan pa niya ako? "Honey talk to me." sabi niya. “Usap? Wala na tayong dapat pag-usapan!" padabong kong sagot. Hindi na talaga siya tumigil. "O TANG*NA SAYO NA!" sigaw ko tsaka binitawan ang bag at dinuldol sa kanya. Galit na galit ako gusto gusto ko siyang saktan. Tumayo ako, para umalis na. Pinigilan niya pa ako. Huminto ako at hinanap siya. "ANO KOJIC!" Inis na sigaw ko. Huminga ako ng malalim pinakalma ko yung sarili ko. "O sige tatanungin nalang kita gaano na kayo katagal ng kabit mo?" mahinahon pero gigil kong tanong. Pinilit ko pag mas maging kalmado! "SAGOT!" sigaw ko. Hindi siya kumikibo. "Bakit di ka sumagot!?" galit na galit kong sigaw. Nakatitig lang siya sa akin, I laughed sarcastically. "Ngayon na pipi ka na?” tanong ko sa kanya. “WOW!" hindi ako makapaniwala sa kanya. Kinwelyuhan ko siya. “Ano! gaano mo na ako katagal ginagago!?" tanong ko pa ulit damang dama ko ang panginginig ng aking kalamnan sa sobrang galit na nadarama ko. Para na akong tanga na nagsasalita ng nagsasalita. "One month?" Tanong ko. Hindi parin siya nagsasalita at nanatiling naka yuko. "One year?" Di maka paniniwala na tanong ko. "SAGOT!" Inis na sigaw ko. Mas lalong dumiin yung kamay ko sa kwelyo niya, ngayon ay iyak na ako ng iyak. "Sorry." tangging lumabas sa kanyang bibig. "Ano gaano na kayo katagal?" tanong ko habang nakatingin sa mata niya. "Three?” “Three months?" tanong ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Umiling siya. "TANG*NA MO! KOJIC FVCK YOU! ANG GAGO MO!” Mas lalo akong nanghihina sa mga narinig ko. Napa upo nalang ako sa sahig dahil sa sobrang hina ng mga tuhod ko. Para nawalan ng lakas sa mga namalaman ko. Simula palang ng marriage life namin meron ng Hannah sa buhay niya. "I'm sorry, hindi ko kayang mawala ka." Mas lalong nag alab yung galit sa puso ko, iyak lang ako ng iyak. All this years being with him is just a lie. Nag bahay bahayan lang pala kami. Sa likod ko may babae siyang ibang kinikita at nilalando. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Pilit kong tumayo, sobrang durog na durog nako. "I just want to have a Baby, pero nalaman ko na you can't bare a baby. Yun lang naman ang gusto ko from her." pag dadahilan niya sa akin. Mas domoble pa ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na pati siya. "No you're wrong. I have my second opinion." malungkot ko sabi. Paano niya nalaman ang tungkol sa una kong check up. Na sobrang liit ng chance na pwede akong mabuntis. Nang malaman ko yon sobrang na depress ako ng mga panahon na iyon. Lingid sa kaalaman niya ang mga iyon dahin gusto ko na mag hanap ng paraan dahil alam kong iyon ang pangarap niya dati pa college palang kami noon. "But the files say it." Naguguluhan niyang sabi. Totoong nakita nga niya ang mga files na iyon kaya ba nag kakaganyan siya. Three years na iyon tapos nag pa second opinion na din ako. Ginagawa ko ang lahat para maging healthy at lumakas ang katawan ko upang baka doon ay mabiyayaan na ako ng anak. Hindi ako makapaniwala na sa mga papel na iyon ay agad siyang naniwala. “Okay paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan." sagot ko sa kanya. "I WANT BABY. Ang tagal na natin pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong anak." may pag sumbat ang tinig niya. Did he ask me? I want to have a child with him. “So yon ba ang nakikita mong solusyon sa problema natin ang magkaroon ng kabit!?” gigil na gigil kong sabi pero mapanatili kong kalmado ang sarili. Nanatili siyang tahimik at naka yuko sa may gilid. “Ang files na nakita mo is almost a year ago. Hindi mo man lang ako tinanong kung anong nararamdaman ko nang nalaman ko yon. Kinamusta mo ba ako? Sobrang sakit para sa isang babae na tulad ko na gustong gustong magkaroon ng anak lalo na't sa taong mahal ko. Para matawag tayong pamilya. Ako, hindi ako sumuko pero ikaw nawalan ka na agad ng pag-asa at naghahanap ka pa agad ng iba solusyon imbis na tayong dalawa ang gumawa ng solusyon. Kulang pa ba ang ilang taon? Pananatili ko sa tabi mo? kahit sakal na sakal na ako. Now I know bakit di mo ako hinahayaan magkaroon ng pagkakataong bumiyahe sa malayo kasi natatakot ka na baka gawin ko kung ano ang ginagawa mo behind my back. TAMA BA! Takot ka! takot kang maloko pero ikaw mismo ang manloloko!" napailing na lang ako. “Tatlong taon mo na akong niloloko kasama yang babae mo pero hanggang ngayon wala padin kayong anak nasaan na yang babaeng pinag mamalaki mo na mabibigyan ka ng anak!? NASAAN NA!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kayang tumayo pa dito ay kausapin ang taong ito. Lumakad na ako palabas ng kwarto bumaba ako para kumuha ng tubig. Wala siyang tiwala sakin mas naniniwala siya mga files sinukuan niya ako agad without knowing na ginawa ko na ang lahat. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa napagod ako, kinalma ko na ang sarili ko at muling bumabalik sa kwarto namin. I need my things. Nandoon padin siya nakaupo siya sa gilid ng kama at nakayuko. Pumasok ako doon kinuha ang bag ko, lumapit ako sa kanya and I give a kiss on his forehead. Tumingala sya sa skin basa din ang mga pisngi niya. I trace his face with my pointing finger. Eto na ang huling pagkakataon na magagawa ko iyon sa kanya. Tumayo na ako. “Kojic Thanks for everything you have done to me since day one. Maybe you are not happy with me and you think that I can't give you a complete family. Then, let's separate our lives so at least you can have your own happy life, you can really have the complete family you dream of. Don't worry about me I can manage to live. Siguro sa umpisa mahirap pero alam ko na makakaya ko din. Sorry kung kailangan ko ng sumuko. I love you always, have your happy life. Don't worry, I will sign the annulment papers right away just send them to me. Wag kang mag-alala makikipag cooperate ako sa annulment.” sabi ko ng humihikbi tsaka lumakad na palabas sa bahay namin. Ten years kaming magkasama siya ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Sobrang sakit para akong nilumpo nawala na yung umaalalay sa akin. Pakiramdam na sobrang sakit ng nararamdaman ko saking dibdib. I'm still alive but not living. Nanghina bigla ang mga binti ko naupo ako at umiyak ng umiyak. I need to be brave enough to continue life without him. Paano nga ba? Without him means nothing. May kung anong naka barang mabigat saking dibdib na pumipigil sa akin paghinga, yung pakiramdam na sinasakal ang puso mo sa sakit. Mahahanap ko pa ba ang aking sarili? Kahit alam ko naman na naiwan ko na iyon sa kaniya at kahit gustuhin kong kunin iyon muli wala na, kulang na at hindi na muling maging buo pa. Para akong tinakasan ng bait sa mga nangyayari ngayon. Sirang sira ng ang buhay ko hindi ko na alam kung paano muling tatayo at mag uumpisa na ako nalang mag-isa. Kanino pa ako kukuha ng lakas ng loob? Wala na akong kahit na sino. Wala na akong mga magulang na gumagabay at mag pampagaan ng loob ko. Tanging sarili ko nalang ang meron ako ngayon. Hindi ko maisip na mangyayari at mararanasan ko ang mga bagay na ito. Napaka selfish ni Kojic. Hindi lang naman siya ang may gusto na magka-anak maging ako ay gustong gusto ko. Hindi ako tumigil gawin ang lahat ng pwedeng gawin para maging posible na nagkaroon kami ng anak. Para matawag na kaming pamilya. Pinaandar ko na ang sasakyan at naghahanap ako ng pwedeng mapuntahan. Gusto ko muna mag paka layo layo. Malayo sa lahat. Tanging nasa isip ko ay maging mag isa muna na ako lang. Kahit ang hirap na ako lang. Siguro naman ay kakayanin ko dahil si Gab nga kaya ng mawala si Allen sa tabi niya. Mas maaga siguro kahit papaano kung nagkaroon ako ng anak at least may kasama ako ngayon at hindi ako nag-iisa. Nagtungo ako sa isang hotel para mag check in para doon muna manatili habang hindi ko pa kayang bumalik doon. Alam kong hindi ko na mahahanap muli ang sarili dahil iniwan ko na ngayon kay Kojic. Nag park na ako ng sasakyan. Kinuha ko ang bag na dala ko. Lumakad papasok sa loob. Lumapit ako doon sa babae doon. After ng ilang minuto ibinigay na niya sa akin yung susi. Tinulungan na din ako ng bellboy at inihatid ako sa room na kinuha ako. “Salamat.” sabi ko dito bago umalis. Ipinalibot ko yung tingin ko sa buong kwarto. Dito muna ako mananatili. Susubukan maging matatag at lumaban mag isa. Lalabanan ang lungkot na hindi ko alam kung paano mapapawi. Hindi lang naman asawa ang nawala sa akin kundi mismo ang sarili ko. Nakalimutan ang sarili ko dahil sa matinding pagmamahal sa kanya. All my life Kojic has been my top priority. Nahiga muna ako sa gitna ng kama. Niyakap ang mga binti. Mas nadama ko ang lungkot at pag iisa ngayon. Muling lumuha ang mga mata ko. Gusto ko na magpahinga sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD