CHAPTER 4

2111 Words
I want to confront him and ask kung sino ang babaeng kasama niya sa tagpuan pero mas pinili kong manahimik at ipag sawalang bahala nalang ang lahat kahit ilang gabi na akong hindi pinapatulog ng maayos sa pag iisip kung sino o ano nga ba talaga niya ang babaeng iyon, bakit di niya manlang nabanggit. Ayaw ko namang mag tanong pa sa kaniya baka kasi pag mulan ng pag aaway namin. Nung gabing umuwi siya at naabutan niya akong nag lasing. Panay siya tanong kung bakit daw ako uminom ng ganun. Pero wala siyang nakuhang sagot mula sa akin ng gabing iyon. Mas gusto ko munang pahupain ang galit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon dahil baka makagawa ako ng desisyon na pinagsisisihan ko. My phone vibrates. From: Jorgie Come here later! See yah we miss you. Hinahanap kana ni Cent miss kana din niya. Punta mamaya. I totally forgot about the dinner tonight kila Canon. Invite nila kami ni Kojic kaso hindi ko naman na nasabi kay Kojic dahil hindi ko siya pinapansin ng ilang araw na. Malamig ang pakikitungo ko sa kanya mula ng araw na iyon. Nakita ko siyang may kasamang iba. Tumayo na ako naglalakad papunta sa harapan ng vanity mirror parang hindi na ako yung babae sa harap ng salamin bakit hindi na yung matapang na si Jergen Villegas, nawala na siya dahil sa matinding pagmamahal niya sa lalaking iyon. Malaking pagbabago ang nangyari sa akin. “Mahaba na din pala ang buhok ko." muna ko ng makita kong mahaba na nga ito. Ngumiti ako sa harapan ng salamin ngunit hindi maitago ang matinding lungkot na bumabalot sa aking mata. Halatang pilit ang mga iyon. Napailing nalang ako. Umalis ako sa harapan doon. Nag hanap na ako ng damit na pwedeng suotin para mamaya sa dinner. Gusto ko makalimutan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano pa ito maalis sa aking dibdib. Parang naka ukit na ang matinding sakit na ito, dito. Paano ba maalis ang sakit na ito na dulot ng panloloko ng mismong mahal mo. Inayos ko yung mga gamit na nagkalat sa kama. Maliligo na at mag-aayos. Mukha akong matamlay ngayon. Hindi ko magawang ngumiti. Matapos akong maligo, natagalan ako sa pagpili ng isusuot. So I wear white T-shirt pair with jeans and slippers. Nag suot nalang ako ng salamin tinamad nako mag lagay ng lence. Gagamitin ko na lang din ang isang sasakyan. Dadaan muna ako sa KM sweets para bumili ng cake para kay Cent. Tinanggal ko lahat ng mga nakasaksak sa loob pinatay ang mga ilaw, isinara ang mga bintana inayos ko din yung pag kaka'lock ng pinto. Sumakay nako sa sasakyan mabagal ko lang itong pinatakbo. Maaga pa pala kaya hindi pa masyadong maraming tao sa kalsa na nagsisi uwian kaya mabilis lang akong makarating sa KM, nag park ako sa tapat nito. "I want more daddy!" maktol nung bata. Nakita ko sila na parang nag tatalo sila ng daddy nya sa may gilid. "Baby no more na, Too much is bad okay." pangaral niya sa anak. Napahinto ako at napatingin sa kanila, nakaramdam ako ng lungkot at inggit. Maging ganyan din kaya si Kojic kung magkakaanak na kami. I dream about it being mother of his children. Nag tuloy na ako papunta sa counter. "Good evening Ma'am can I have your order." “One blueberry cheesecake." "Four hundred fifty five." Nag abot ako ng pera. "Thank you just wait for a minute." nakangiting sabi nito. Umalis muna ako doon naupo muna sa isang tabi. Bigla akong nakaramdam ng kaba nakita ko yung babae na kasama ni Kojic sa tagpuan don't tell me na mag kasama sila ngayon ang kakapal ng mga mukha nila. Nagkaroon na naman ng bigat sa aking dibdib. "Ms. Jergen." tawag sa counter. Wala sa sarili akong naglalakad papunta doon, inabot ko naman ito. Mabilis akong lumabas doon mag tungo sa loob ng sasakyan. I felt heavy pain in my chest. I calm myself bago nag drive papunta kila Jorge. Hindi ko na alam ang gagawin, hindi ako mapakali. Habang bumabyahe ako hindi pa rin mawala sa aking isip si Kojic, ayaw ko ng ganitong pakiramdam dahil para akong mababaliw. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid, kinuha yung cake at naglalakad papasok sa gate nila Jorge. I knock on the main door, bumungad sa akin si Cent. "Ninang!" sigaw nito. Umaabot agad para mag kiss sa akin, nagpapabuhat. "Miss you!" “Cent, let your ninang come in first, stop it!" saway ni Canon. Natawa naman ako kay Cent dahil bigla itong sumimangot. Tumabi naman na siya at kumapit sa aking braso at hinila ako agad papasok sa loob ng bahay nila. Napailing naman si Jeorge "Tita Jewgen!" sigaw ni Amara. Til now bulol pa din, lumakad nako papasok kasabay si Cent. Inabot ko kay Canon yung cake. Tsaka nilapitan ko naman si Amara lumuhod ako sa harapan nito hinawakan ko siya sa kanyang ulo hinimas ko ito ng marahan. "Tita nasaan po si Tito shabon." usisa niya pa. She always ask me about Kojic lalo na't pag hindi ko iyon kasama. Gusto kasi nila si Kojic kalaro. Mahilig kasi ito nakipag laro sa mga bata. Napangiti naman ako sa kanya. "Nasa office pa." pagdadahilan ko nalang. Kahit ang totoo ay hindi ko nga alam kung nasaan ang magaling kong asawa ngayon. Malay ko ba? Baka nandoon sa nadungan ng kabit niya nag papakasaya. Tumayo ako, hinawakan ko yung kamay ni Amara at dinala sa sofa sa gilid. Napaka daldal ng anak ni Allen at Gab mana sa nanay. Maraming kwento sa buhay. Maraming tanong si Amara she wants to be like me daw kasi gusto daw niya na makapunta sa iba't ibang bansa. Kahit hindi naman talaga ako nakakapunta dahil hinaharang ni Kojic ang lahat ng international flight ko. Lumabas naman si Allen kasunod ng mag-ina niya. "Amara don't bother your Tita." saway nito. Alam na alam ni Allen na kinukulit na ako ni Amara. “Dada! She likes me!" kontra nito kay Allen dahil para matawa ako. Nailing lang ito sa anak. Lumapit naman sa kin si Aeon at nag kiss sakin. "Hi Tita." Ang sweet ng mga anak ni Gab. "Hi girl!" masayang bati ni Gab. I’m so happy seeing them na masayang masaya ngayon kahit na ang dami nilang pinang daanan sa buhay. Pagkatapos ng lahat ng sakit at paghihirap na pinagdaanan nila mas tumawag sila. Tumayo ako at yumakap sa kanya, she looks happy and contented. She's strong enough for her family. Maybe pag nag-ka-anak din kami ni Kojic ay nagbago na siya. Hoping that one day— magbabago na din siya for good. Nagkwento lang ng kwento si Amara, lumabas naman din si Jeorge lumapit at bumati. Busy siya sa loob ng kusina. Nag paalam muna ako sa mga bata sumama sa loob ng kusina para tumulong sa paghahanda. Inayos ko yung mga plates, yung mga asawa nila ay lumabas na kameng tatlo na lang ang naiwan. "So ano kamusta kayo?" tanong ni Gab. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang katanungan na ibinato niya. “Hmm maayos naman." Hindi na sila mag tanong ulit, they know me naman. Tinapos namin yung mga kailangang ihanda panay ang kwento ni Gab sa tungkol sa makulit na anak. Patapos na kami ng biglang pumasok si Canon na parang di mapakali at kabado. “What is it?" tanong agad ni Jeorge. “Bab—be ahmmm kasi ano." Bigla akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit. "Ayusin mo Canon ano yun!" Lahat kami ay nag hihintay ng sagot mula sa kanya. "Kojic is here—" "Yun lang pala." nag tatakang tanong sagot ni Jeorge. “Wait babe may kasama siya." tuloy niyang sabi. Para akong na bato sa narinig ko. Tama ba ako ng hinala kasma niya ang kabit niya dito sa bahay ng kaibigan namin? Ang lakas ng loob niyang ibalandra ang kabit niya. Anong gusto niyang sabihin? Ipinagmamalaki niya pang nang babae siya. "Hey Hey! Guys." He sounds alive and happy without knowing his wife is alone and lonely. Kojic entered the kitchen with that girl holding hands. "Want you to meet Hannah." pakilala niya dun sa babae nasa tabi niya. Bigla kong nabitawan ang baso ba hawak ko, nataranta akong pulutin ang piraso ng mga iyon sa lapag, hindi ko na naisip na maari akong masugatan o masaktan. May mas sasakit pa ba sa nangyayari ngayon. ”No Jergen stop!" sigaw ni Gab tsaka agad na lumapit sila ni Jeorge. Too late dahil na hawakan ko na ito at nagkasugat na, agad ko na maramdaman ang hapdi sa aking mga kamay dala ng sugat. Agad na tumulo ang dugo mula sa aking kamay. Nag uunahan na ding tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit yung puso ko o yung sugat ko. Akmang kukunin ni Jeorge yung kamay ko ng iniwas ko ito at tumayo. "No need... I can handle." pagtanggi ko. Pinilit kong patatagin ang loob ko kahit para na ako mamamatay dala ng matinding sakit saking dibdib. Pinagid ko ang luha ko. Tumayo ako doon. Nagmamadali akong umalis palayo doon nalampasan ko lang sila, dahil sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Panay ang tawag sa akin nung mga bata pero patuloy lang ako sa pag labas ng bahay nila Canon. “Canon Stop it!" yung ang huli kong narinig bago tuluyang makalabas ng bahay. Agad akong sumakay at mabilis kong pinaandar paalis mula doon ang sasakyan. I feel a heavy pain in my chest! Hilam na hilam ang mata sa mga luha. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tuloy lang ako sa pagmamaneho, hanggang sa makarating ako sa bahay ng tita Mench ko. I knocked on the door. "Jusko mahabagin anong nangyari sayo." gulat na gulat na sabi ni tita ng makita niya ako. Inalalayan siya ako papasok sa loob ng bahay pina upo. "Tetay tubig nga!" sigaw niya. Tuloy lang ako sa pag iyak dahil sa sakit di na ako makahinga. Inabot nya akin yung tubig. "Inumin mo kumalma kang bata ka." saway niya. Uminom naman ako at pilit na ikinalma ang sarili. She hug me and tap my back. Para akong nagsusumbong na bata. Eto na ba iyon? Totoo palang napaka sakit, para na akong mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ito. Hindi ko kayang sukatin kung gaano kasakit ang mga nakita ko. Kaya ba hindi na kame lumalabas at nag iba na siya ng sobra pag dating sa pakikitungo sa akin, dahil ba sa babaeng kasama niya kanina? Without him it is so hard, I can't live without him. He's my life and everything. Hindi na ba niya ako mahal, bakit!? “ANG SAKIT SAKIT..." Pinaupo ako ng maayos ni tita sa sofa. Ginamot niya yung kamay ko na may mga sugat dala ng bubog galing sa nabasag na basong pinulot ko kanina. Hindi naman masakit iyon mas masakit yung puso ko. “Ano bang nangyari sayo?” nag aalala na tanong nito sa akin. Para may kung anong mabigat saking dibdib dahil para di ako makahinga ng maayos. Gusto ko ng tanggalin ang puso ko mula sa aking dibdib. Hinayaan niya lang ako at hindi na siya nag tanong pa, nanatili kami ng ganoon na pwesto hanggang sa mag sawa ako sa kakaiyak at makatulugan ito. Akala ko at makakatulog na ako ng tuloy tuloy ngunit nagising nalang ako bigla. Sumalubong sa akin ang madilim na paligid sa sala ng bahay ni tita Mench. Tahimik na tahimik ang paligid. Nakatitig lang ako sa kawalan. Kusa na lang nag uunahan na tumulo ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Kailan ba matatapos ang sakit na ito. Matatapos pa ba ito? Wala naman ang masamang ginawa sa ibang tao para ganituhin ako ng taong minahal ko ng lubos. I don’t deserve this kind if pain. Sino ba ang deserving na masaktan ng ganito. Wala naman diba? Deserve naman ng lahat ang sumaya. Kaso bakit ako ganito na ang nangyayari. Hindi lang naman ang pagsasama natin bilang mag asawa ang nasira kundi ang buhay ko maging ang sarili ko mismo. Basag na basag ang puso ko. Hindi talaga tumitigil na pabalik balik sa aking isipan ang tagpong naganap kanina sa bahay Canon. Gusto na ba talaga niya na ipagmalaki sa mundo ang kabit niya. Dapat ako muna ang una niyang sinabihan dahil nagulat ako sa mga naganap na iyon. Dapat ay nakipag hiwalay muna siya at sinabing hindi na niya ako mahal at least kahit papaano ay naging handa ako sa mga kaganapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD