bc

Pinikot ako ng Tambay

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
friends to lovers
badboy
sweet
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

Aso't pusa at laging nagbabangayan. Papansin si Juancho, pikon naman si Ali. Ano ang gagawin nila kung may biglang hindi inaasahang mangyari sa kanila at mauwi sa pikutan?

Makuha kaya ni Juancho sa kilig si Ali?

Magpadala kaya si Ali sa panunukso ni Juancho?

Paano kung may lihim din pala si Juancho at iba siya sa pagkakakilala ni Ali?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Good morning, Alejandra!” Ngising-ngisi si Juancho habang nakatingin sa dalaga na bumibili sa tindahan ni Aling Susan. “Tigil tigilan mo ako sa good morning mo, Juancho dahil walang maganda sa umaga kung mukha mo ang makikita,” mataray na tugon ng dalaga na tinawanan lang ng lalaki. Mula pagkabata ay kinalakihan na ni Alejandra o mas kilala bilang Ali ang pambubwisit ni Juancho. Magkababata ang dalawa at mula elementary ay para na silang tubig at langis na hindi pwedeng magsama sa iisang lugar, pati na aso’t pusa na laging nag-aangilan. “Itong gwapo kong ito, Alejandra? Kahit sino ay gugustuhin na makita ako pagmulat pa lang ng mga mata nila, lalo na kung babae.” “Pwes, hindi ako sila.” “Ang taray mo talaga, Ali. Para nagpapapansin lang itong si Juancho sayo eh…” Nagtawanan ang grupo ng mga kalalakihan na aliw na aliw din sa tuwing nakikita nila ang dalaga na galit na galit sa kanilang kaibigan. “Aling Susan, pakibigay na ho ng binibili ko at kailangan ko ng makalayo sa mga ito bago pa malasin ang buong araw ko.” “Ito na, Ali,” sabi ng tindera na nakangiti na rin. Nasanay na kasi sila sa pagbabangayan ng dalawa dati pa. “Naku Alejandra, ‘wag kang maniniwala sa mga malas, malas na ‘yan. Hindi totoo yan.” Tumaas ang kilay ng dalaga sa tinuran ni Juancho. “Dapat alam mong totoo ‘yon. Isa ng patunay ang presensya mo.” Kumiling pa ang dalaga na sinamaan ng tingin ang lalaking nakangisi pa rin. “Hay naku, babe. Alam mo ba, nakita ko na ang future mo.” “’Wag mo akong ma-babe, babe dyan. At tsaka anong future ko ang pinagsasabi mo dyan?” “Ako, Alejandra. Ako ang future mo…” “Ang sweet mo naman pala, Juancho.” Lalong nag-init ang ulo ni Ali dahil sa panunulsol pa ng mga kaibigan ng lalaking titig na titig pa rin sa kanya. Alam niya sa sarili na wala na siyang maibabato pa sa mga ito dahil siya din ang uuwing pikon kaya tinalikuran na niya ang mga ito na sige pa rin sa pagtatawanan. Sa kanilang bahay, ay lalong nainis si Ali ng madatnan ang kanyang stepfather na inaasikaso ng kanyang ina. Napailing na lamang siya kahit na gusto niyang sawayin ito. ‘Wala na ngang silbi, wala ng ambag sa bahay ay pinagsisilbihan pa,’ bulong ni Ali sa sarili. Sinikap niyang hindi iparinig iyon sa kanyang ina dahil siya din naman ang malalagot. Pero siniguro niya na maipakita ang disgust sa kanyang mukha. “Bilisan mo ang pagluluto dahil nagugutom na ang Tito Delfin mo.” Mabilis na umikot ang mga mata ng dalaga, halatang ayaw gawin ang gustong mangyari ng ina. “Bakit ba ganyan ang mukha ng anak mo, Nieves? Palaging nakasimangot. Kapag minalas ako at hindi natanggap sa trabahong a-apply-an ko ay talagang tatamaan na sa akin ‘yan!” galit na sabi ni Delfin na akala mo ay kung sino. “Yan ay kung talagang nag-a-apply kayo. Yang ayos nyong yan ngayon, mag-a-apply?” Hindi na napigilan pa ni Ali ang sumagot. Hindi na naisip ang magiging galit ng ina. “Kahit kailan talaga ay may dala kang kamalasan, Alejandra!” galit na rin na sabi ng kanyang ina. “Ang malas dito ay yang kinakasama niyo na hindi ko alam kung ano ang nakita niyo. Mabuti sana kung gwapo, ang kaso mo, ang pangit din. Hindi ka na nga mabibigyan ng magandang buhay, aba kahit magandang lahi ay pinagkait pa sa inyo.” Mabilis na lumapit si Nieves sa anak at tsaka ito sinampal. “Wala kang modo. Saan ka natutong sumagot-sagot ng ganyang?’ “Masama na ho ba ang magsabi ng totoo? Hanggang ngayon po ba ay umaasa kayo na talagang naghahanap ng trabaho ang lintang yan?” Isa pa ulit sampal ang pinadapo ni Nieves sa anak. Nanginginig ito sa galit. Gustong maiyak ni Ali ngunit pinigilan niya ang sarili lalo at nakita niya kung paano ngumisi si Delfin. Alam na alam nitong hindi siya kakampihan ng sarili niyang ina. “Tutal naman eh sambang-samba mo ang lalaking pangit at tamad na ‘yan, hayaan mong sabihin ko na ang gusto kong sabihin.” Huminto saglit si Ali, tumingin kay Delfin bago muling bumaling sa ina tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. “Ni hindi ka nakaranas na kumilos sa bahay nung nabubuhay pa si Tatay. Kahit pagod siya sa maghapon na pagtatrabaho ay inaasikaso ka pa rin. Tinatrato kang anak ng bilyonarya na hindi pwedeng mapagod sa gawaing bahay. May trabaho na pero may sideline pa rin para kahit papaano maibigay sayo ang magaan na buhay. Tapos ang lalaking ‘yan, apat na taon na kayong nagsasama at dinala pa dito sa bahay ng tatay ko ang dalawang anak na palamunin din eh ni minsan hindi nagbanat ng buto! Ano, ‘Nay, t**i lang sapat na?” Isang malakas na sampal na naman ang pinadapo ni Nieves sa pisngi ng anak. Bakas sa mukha ng ginang ang pagkagulat dahil hindi niya inaasahan na marinig mula sa bibig ni Ali ang mga salitang binitawan nito. “Hindi porket ikaw ang kumakayod sa bahay na ito ay may karapatan ka ng pagsalitaan ako ng ganyan, anak lang kita!” sigaw ni Nieves. Tumawa ng malakas si Ali. Alam niya sa sarili niyang mahal na mahal niya ang kanyang ina. Nangako siya sa kanyang ama ng mamatay ito na aalagaan at sasamahan niya ito sa hirap at ginhawa. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang umalis sa kanilang bahay kahit na gustong-gusto na niyang gawin. “Kung hindi rin naman ako nangako kay Tatay na aalagaan kita ay hindi rin ako mananatili dito. Gaya ng sinabi mo, anak mo lang ako. Pero nakalimutan mo yata na may responsibilidad ka sa akin. Hindi mo ako pinag-aral, pero wala kang narinig sa akin. Okay lang sa akin ‘yon, dahil alam ko, wala kang alam sa buhay. Pero huling beses niyo na akong sasaktan ng dahil sa lalaki mo. Huling pisi ko na ito para sayo. Pagkatapos nito ay wala na akong pakialam pa sayo. Mabuhay ka sa iyot.” Pagkasabi niya non ay tinalikuran na ni Ali ang ina at lumabas ng kanilang bahay. Napadaan pa siya sa tindahan ni Aling Susan kung saan nagtutumpukan pa rin ang magkakaibigan ni Juancho na sinusundan siya ngayon ng tingin dahil sa pambabalewala niya sa pang-aasar ng mga ito. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng lalaki na parang gustong sundan ang babae ngunit hindi na ginawa dahil alam niyang sa kaibigan lang din nito na si Marge ang tungo nito. “Mukhang nadale na naman ni Aling Nieves ang babe mo, Juancho.” Tinignan ng lalaki ang kaibigan at iiling-iling na tumugon. “Nagtitimpi lang din siya. Alam niyo naman kung gaano niya kamahal ang nanay niya.” Isang bagay na hinahangaan ni Juancho kay Ali. “Kilalang-kilala ah!” Nagtawanan ang mga ito. “Bakit kasi hindi mo ligawan ng maayos? Malay mo naman sagutin ka,” sulsol pa ng isa sa grupo. “Naku, paghanapin niyo muna ng trabaho yang manok niyo. Nakita niyo naman kung gaano kabwisit si Ali sa asawa ng nanay niya ngayon tapos gusto niyong diskartehan na ni Juancho ng wala man lang maipakita na magandang kinabukasan?” sabat ni Aling Susan sa kanila. “Malinis naman ang hangarin ko!” mabilis na sabi ni Juancho. “Sa panahon ngayon, hindi lang kailangan malinis ang hangarin. Dapat marunong din kayong magbanat ng buto para hindi magutom ang dinidiskartehan niyo sa piling niyo.” “Aling Susan naman, nasa diskartehan pa lang ang usapan eh parang sa kasalan na ang punta niyo.” “Eh saan pa ba dapat?” tugon ng matandang tindera. “Ng dumating ang pamilya nila Ali dito, nakita ko kung gaano kasipag ang tatay niya para lang magbuhay prinsesa ‘yang si Nieves. Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang nakita niya sa Delfin na yon ngayon.” “Baka magaling umiyot, Aling Susan.” Nagtawanan ang grupo dahil sa tinuran ng isa sa kanila. “Siraulo! Sa edad ba nyang ‘yon eh maiisip pa niya ang tungkol sa bagay na ‘yan?” saway ng matanda. “Juancho, ikaw nga ba talaga ang future n i Ali? Aba, bigyan mo naman ng magandang buhay.” “Nakita ko na Aling Susan, ako ang future niya. Tsaka hindi lang magandang buhay ang ibibigay ko sa kanya kundi magandang biyenan na may magandang lahi.” “Ayown naman! Kaya sayo kami eh!!” Tawanan ang mga ito habang napapailing na lang si Aling Susan na nakatingin kay Juancho. Sa palagay ng matanda ay seryoso talaga ang binata na makuha si Ali. “Kung pikutin ko kaya?” sabi ni Juancho na muling kinatawa ng lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.6K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
102.9K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
38.2K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
48.4K
bc

The Forgotten Wife

read
43.3K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.2K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook