TINA’S POV Naging abala si Ambassador nang mga sumunod na araw dahil sa World Leader Summit na gaganapin sa Barcelona. Siya ang punong abala kasama ang iba pang government officials na nakatalaga rito sa Spain kagaya ng Consul General. Bago ang gaganaping Leader Summit ay inanyayahan ako ni Ambassador sa isang family dinner. “Family Dinner? Kailan?” takang tanong ko rito habang kumakain kami ng hapunan. “Sa susunod na araw.” “Bakit?” Natigilan ito sa aking tanong. “It's the holiday season. Nag-decide sina Lolo Adolfo na agahan ang pagbakasyon dito before Christmas dahil maraming kailangan gawin sa company, alam mo na. Christmas Party, Year-end Party, Bonus and Giveaways for the employees,” paliwanag nito. “Ahh,” tumatango tangong sagot ko. Ayaw ko pa naman na sumama sa kanila kas

