TINA'S POV Halos mapuno ang likod ng kotse dahil sa binili nitong gamit na hindi ko alam kung masusuot ko ba ang lahat ng iyon dahil sa dami. Para rin akong magkaka-altapresyon sa mahal ng nagastos nito. Dumating ang araw kung kailan ang family dinner kasama ang Pamilya Dela Cuadra. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa sobrang kaba. Kahapon habang abala si Ambassador sa trabaho at kapag may time ako sa aking trabaho ay nag-research ako tungkol sa family background ng Pamilya Dela Cuadra. Alam ko na mayaman sila dahil madalas ko silang mapanood sa TV at nababanggit lagi sa mga parties na aking napupuntahan noon bilang isang bank manager, pero hindi ko inaasahan na ganoon kalaki ang kanilang negosyo. Lahat na yata ng negosyo ay pinasok ng mga ito at ang kanilang pamilya ang isa sa apat n

