Chapter 2

1414 Words
Kristina’s PoV Mabigat man ang loob na lilisan ako ng bansa dala ang konsensya ng pagsisinungaling ay may kaakibat naman itong saya at pangakong mabibigyan ko pa sila Mama at Papa ng mas maayos na pamumuhay. Hindi man sila maghangad ng marangyang pamumuhay ay gusto ko pa rin na matamasa nila ang ginhawa. Yung tipong madadala ko sila sa iba’t ibang bansa at lugar para lang makapamasyal. Mabilhan si Papa ng kotseng pangarap nito at mabilhan ko rin si Mama ng isang orchidarium. Marami akong pangarap para sa kanila dahil alam kong tinalikuran na nila ang sarili nilang mga pangarap para lang sa akin at ngayon ay gusto ko naman masuklian ang lahat ng paghihirap nila sa akin. Kahit kasing bank manager ako ay hindi naman ganoon kataas ang aking kinikita, idagdag pang halos mabaon ako sa utang noong umalis si Bryce ng bansa dahil sa akin siya nakaasa ng mga oras na iyon. Kung hindi nga lang tumawag ang mama nito sa akin na umiiyak ay baka hindi ko pa ito tinulungan. Puno ng kasabikan at kaba ang aking dibdib habang lulan ng eroplano patungong Madrid, Spain. Umabot ng mahigit na 20 hours ang naging biyahe kasama na ang isang Layover sa Dubai bago namin narating ang Madrid–Barajas Airport. Napakalamig na hangin ang agad na bumalot sa aking katawan paglabas palang ng eroplano na sa tingin ko ay umaabot ng 6-15°c. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking dalang handbag at saka masayang tinanggal ang airplane mode nito. Napansin ko na kaagad ang message sa akin ni Bryce. [hi, love. Hindi kita matawagan] [busy ka ba?] [chat ka na lang kapag hindi ka na busy] [love you] [miss u] Napangiti naman ako ng malapad ang sunod-sunod na mensahe nito. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa address ng tinutuluyan ni Bryce. Natanong ko na ito isang beses noon at hindi naman ito nagtaka kung bakit ko tinatanong at basta niya lang sinabi sa akin. Malapad ang ngiti at puno ng saya ang aking nararamdaman ng makarating kami sa isang gusali. “Gracias” nakangiti kong pasasalamat sa driver at inabot ang aking pamasahe. Inilagay ko sa aking bulsa ang hawak kong selpon at Hila-hila ang aking maleta na nagtungo patungo sa loob. Para itong isang apartment na may maraming kwarto kaya nagtanong ako sa isang babaeng nakapwesto sa isang lamesa na nasa maliit na lobby. “Hola, señora” bati ko rito. Lumingon siya sa akin. “I am looking for a man named Bryce Suarez. Does he live here?” magalang kong tanong. Imbes na sagutin ay tinitigan niya akong mabuti mula ulo hanggang paa. “ I am his girlfriend, novia” sabi ko rito na nangungumbinsi. Baka kasi isipin nito na scammer ako. Muli kong kinuha ang aking cellphone at ipinakita ang aking wallpaper kung saan ay magkatabi kaming nakatayo habang nasa likuran namin ang Taal Volcano. “Him. That’s my boyfriend. Ese es mi novio” turo ko sa larawan. Lumapit naman ito at tinitigan ang nasa larawan at saka ako muling tiningnan. Pagkatapos ay isinulat nito sa isang papel ang numero ng kwarto kung saan nakatira si Bryce saka ibinigay sa akin. “Gracias, señora” nakangiting pasasalamat ko rito. Bago tumalikod at magtungo sa hagdan ay nakita ko pa itong umiiling-iling sabay bulong ng ‘pobre mujer’. Pinagkibit balikat ko na lang dahil hindi ko naman naiintindihan ang kanyang sinabi at sa halip ay nagtuloy ako sa pag-akyat. Kahit hirap akong hilahin paakyat ang aking maleta ay kinaya ko dahil mas lamang ang saya at pagkasabik na muling makita ang aking nobyo. Huminga ako ng malalim at saglit na nagpahinga ng makarating ako sa tapat ng bahay kung saan nakatira si Bryce bago ako kumatok. "Un momento” rinig kong boses mula sa loob. Inayos ko ang aking sarili at isang matamis na ngiti ang aking iniukit sa aking mga labi. “Surprise!!” bati ko ng mabuksan ang pinto. Bakas ang labis na pagkagulat sa mukha nito. “K- Kristina, anong ginagawa mo rito? B- bakit hindi mo sinabi sa akin na darating ka ngayon?” tanong nito “Sinu-surpresa ka! Namiss kita ng sobra, Love” akma ko itong yayakapin subalit mahina niya akong tinulak. “K-Kristina, sandali lang” anito saka lumayo ng kaunti bagay na aking ipinagtataka. Imbis na maging masaya ito na makita ako ay bakit parang natatakot ito at ayaw akong hawakan. “Mi amor, I forgot my wallet on the table.” boses ng isang babae na nagmumula sa aking likod. Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko ang isang babaeng maputing babae, may matangos na ilong, itim na buhok na medyo paalon at may katangkaran. At sa pakiwari ko ay lokal ito rito at isang Spanish. Nagtungo ito loob ng bahay kung saan nakatira si Bryce, ilang sandali pa ay bumalik din ito. Napatitig ito sa akin at may halong pagtataka rin ang mga mata nito. “Who is she?” tanong ng babae na yumakap pa kay Bryce. Parang may masong unti-unting dumudurog sa aking puso ng makita ko kung paano maglambing kay Bryce at hinawakan naman ni Bryce ang bewang ng babae. “She’s just my friend from the Philippines. She came here to say hello to me.” anito. Nanlaki naman ang aking mga tainga dahil sa rason na sinabi nito sa babae. Mahal ko siya pero mas mahal ko ang sarili ko. Parang sa sitwasyon ngayon ay ginamit niya lang ako. Ang lakas pa ng apog niyang mambabae. Kahit nasasaktan ay pilit kong pinapakalma ang aking sarili upang huwag umiyak sa harapan nito at magmukhang kaawa-awa. “I'm here to collect on what he owes me. Are you his girlfriend?” pilit ang ngiti ko at sinulyapan ko ang babae “Yes, I am. Actually we will be having our wedding in just a few weeks.” nakangiti ring sagot nito. “Really?” tanong na kay Bryce ako nakatingin. Hindi ito makatingin ng maayos sa akin. “I think she needs to go, right Kristina?. Please, Kristina umalis ka na mamaya na lang tayo mag-usap” pakiusap ni Bryce habang mahina akong hinawakan sa braso ngunit mabilis kong tinanggal ang kanyang pagkakahawak. “No, I’m not going anywhere. I still need to get what I need.” “Ano ba ang kailangan mo?” mahina ngunit mariin na sabi nito. Isang matalim na tingin lang ang ibinigay ko rito. “ She’s saying something, Mi amor. Why don’t we listen to her first” malambing na sabi ng babae at hinilang muli si Bryce sa tabi nito. Pekeng ngiti muli ang aking ipinaskil sa aking labi. “Thank you, Miss. Should I call you Mrs. Suarez, from now on?” himig na pang- iinsulto ko sa babae ngunit mukhang hindi nito nakuha ang nais kong iparating samantalang si Bryce naman ay hindi makapagsalita. “It’s fine with me,” napapahagikgik pa ito dahil sa kilig. “Actually, I just came by to collect the money he borrowed from me. He owes me 4,234.21 euros and I think this is the right time to take it from him. You know, I came here for a vacation and I might never see him again,” sabi ko rito. “Kristina, tumigil ka na sa ginagawa mo. Umalis ka na, pangako mag-uusap tayo mamaya,” sabi ni Bryce sa akin kahit pa katabi nito ang babae niya. “Bayaran mo lahat ng ginastos ko sa iyo ngayon din kung hindi ay hindi rin ako aalis dito,” pilit kong pinapatapang ang aking boses pero kahit na ang totoo ay nanlalambot na ang aking mga tuhod at gusto ko ng umiyak. “What are you talking about?” tanong ng babae. “Nothing. I’m just telling him that I need the money he borrowed.” diretso ang tingin ko kay Bryce. “Oh, I can only give you €2,500. Mi amor, can you transfer the remaining to her account?” binuksan ng babae ang kanyang wallet at naglabas ng pera saka ibinigay sa akin. “Yeah, sure,” sabi ni Bryce at nanginginig ang kamay na kinuha ang cellphone nito at sinend sa akin. “Got it. Thanks,” sabi ko ng marinig kong tumunog ang aking cellphone at nakita ang bank transfer notification. “By the way. Be careful with that man,” sabi ko saka hinila na ang aking maleta at umalis sa lugar na iyon na wasak ang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD