Chapter 3

1184 Words
TINA'S POV Wala sa loob na naisuksok ko sa aking bulsa ang aking selpon pati na rin ang perang papel na ibinigay sa akin ng babae. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak ng makalayo ako sa lugar na iyon. Hindi ko na alam kung ilang metro na ba o kung gaano na kalayo ang aking nilakad habang hilahila ang aking mabigat maleta. Ni- hindi ko nga maramdaman ang lamig dahil sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Nakarating ako sa isang hindi gaanong mataong parke na kung saan ay may isang estatwang bato na lalaking nakasakay sa kabayo. Nagtungo ako sa katabi nitong fountain at naupo sa gilid niyon saka inilabas ang lahat ng aking sakit na nararamdaman. Walang tigil sa pagpatak ang aking luha dahil sa ginawang panloloko sa akin ni Bryce. Ito ba ang dahilan kung bakit may oras lang ang pagtawag niya sa akin? Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi niyang kinukontra kapag sinasabi kong pupunta ako rito, dahil may kinakasama na siya? At may balak pang magpakasal ang animal. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko at itinuturing akong prinsesa kahit pa kayod kalabaw sila tapos lolokohin lang ako ng ungas na iyon? Habang patuloy ako sa pag-iyak ay isang dalagitang lumapit sa akin at inabutan ako ng panyo. “Are you okay, Ma’am?” tanong nito. May kasama itong dalawa pang dalagita na sa tingin ko’y mababait naman. Inabot ko ang panyong ibinigay sa akin at saka tumango. “You look sad” sabi nito at naupo sa aking tabi. Sa kabila ko naman ay naupo rin ang kasama nito habang ang isa naman na ngumunguya ng bubble gum ay nasa harapan ko. “I’m fine. Thank you” sabi ko na lang saka ngumiti. Bago pa man magsalita ang dalagita ay nakarinig kami ng pagpito. “¡Rápido, vienen los policías! (bilisan niyo, may pulis!) “ natatarantang sabi ng dalagitang nasa harapan ko habang nakatingin sa paparating na pulis. Mabilis naman na tumayo ang dalawa at tumakbo papalayo sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari at kung ano ang sinabi ng mga ito. “Are you okay,Miss?” tanong ng pulis sa akin “Yes, I’m fine” tatango-tangong sagot ko, nakatingin na rin sa akin ang ibang mga turista “How about your belongings? Are they still there or have you lost something?” tanong ng pulis. Napakapa naman ako sa aking bulsa at naroroon pa naman ang perang ibinigay sa akin ng babae ni Bryce. Kinapa ko pa ang kabilang bulsa naman kung saan nakalagay ang aking selpon subalit nanlumo ako ng wala na roon ang aking selpon . Sunod ay tiningnan ko ang aking handbag na wala sa sarili kong nailapag sa aking tabi subalit wala na ito doon. “My phone.. handbag.. Where’s my handbag?” nabalot ng kaba at takot ang aking puso dahil naroroon ang aking mahahalagang dokumento gaya ng passport at visa. Mas lalong nadagdagan ang bigat sa aking dibdib dahil sa pagkawala ng aking gamit kasama na ang aking wallet kung saan nakalagay ang aking mga atm cards at ang aking cellphone. Isinama ako ng pulis sa estasyon hindi kalayuan para ireport ang pagnanakaw sa aking bag at cellphone. Habang kinakausap ako ng pulis ay sandaling nawala ang problema ko sa pag- ibig dahil sa nangyari. May mga tinanong pa sa akin bago ako tuluyang makaalis ng police station. Inihatid naman ako ng police mobile sa Philippines Embassy upang makahingi ng tulong. Habang hinihintay na makausap ang diplomat o ang ambassador ay malalim ang aking isip. Pilit kong nireresolba ang aking problema. Ang nasa aking bulsang pera ay nasa 2,500 euros pa. Kung tutuusin ay aabot pa ito ng 3 hanggang 4 na linggong budget pero ang problema ko ay ang aking visa at pasaporte. Nagpunta ako sa bansang ito para talaga magtrabaho subalit paano ako magttrabaho kung ultimo visa ay wala ako. Ang malas mo talaga, Kristina! Unang araw mo palang puro kapalpakan ka na! “Miss De Guzman, pwede na po kayong pumasok sa loob” tawag sa akin ng sekretarya na siyang nagpabalik sa aking sarili mula sa malalim na pag-iisip. “Good Afternoon, Miss Kristina Seraphyne De Guzman,” tawag ng isang gwapong lalaki na nakaupo sa lamesa. Gusto kong mamalikmata dahil ang buong akala ko ay ang mga diplomat o ipinapadalang ambassador ay pawang mga matatanda pero itong nasa harapan ko ay mukhang bata pa at sadya namang napaka-gwapo. “Ms. De Guzman, nakausap ko na ang isang pulis na tumulong sa iyo sa Puerta del Sol and He told me what happened to you there. Ilang araw ka na ba rito?” sabi ng Ambassador. “Kararating ko lang po, sir. Actually, wala pang dalawang oras ng makababa ng eroplano,” nahihiya kong sabi. Napailing naman ng mahina ang diplomat dahil sa sinabi ko. “May hotel reservation ka na ba?” “Mayroon kaya lang kasamang nawala ang wallet ko, naroroon ang mga ids ko pati ang mga atm cards ko. Pati ang cellphone ko ay nawala rin.” Nag- uumpisa na akong umiyak habang ipinapahayag ang aking sitwasyon. “Let's call the banks in the Philippines first to block your cards and regarding your hotel reservation ay kung may photocopy ka diyan ay pwede mo na iyan ipakita sa hotel receptionist kasama ang police report. Don’t worry dahil tutulong din kami.” pang- aalo nito sa akin. Ibinigay nito sa akin ang telephone nito upang matawagan ko ang banko. Ilang banko ang aking tinawagan upang ipa-block ang aking mga cards pati na rin ang aking mga mobile apps. Makalipas ang halos isang oras ay natawagan ko na kaagad ang mga iyon at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ang problema ko na lang ay kung paano ako makakasurvive sa loob ng isang buwan na 2,500 euros ang dala. Ang inaasahan kong pag-asa na maipapasok ako ng trabaho ni Bryce ay kasing labo na ng kinabukasan ko dahil sa pagloloko nito. “May extra pocket money ka pa ba, Ms. De Guzman?” tanong ng Diplomat “May 1,000 euros na lang po akong natira rito, Sir,” pagsisinungaling ko “Ilang days nga ang plano mong vacation dito?” “30 days po sana, sir,” “Sa case mo, kakasya iyang dala mong pera ng 7 days. So, dapat ngayon palang ay makontak mo na ang airline kung saan ka nagbook ng flight for rebooking,” magalang na pagpapaliwanag sa akin ng Diplomat. Ano? Kailangan kong umuwi ng bansa? Hindi pwede! Magmumukha akong katawa-tawa sa pamilya ni Bryce. Baka magalit o sumama ang loob nina Papa lalo na kapag nalaman nila ang naging kalagayan ko sa unang araw ko palang dito.  Napahilamos ako sa aking mukha at hindi alam kung ano ang aking dapat gawin. Gusto kong maiyak, isipin mo ipinagpalit ko ang aking magandang trabaho sa Pilipinas para lang maging ganito ang kalagayan ko rito. Wala na akong ibang paraan. Kailangan kong magmakaawa. Gagawin ko ang lahat para lang sa kinabukasan ko. At hindi ako papayag na uuwi ako ng bansa na wala man lang napapatunayan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD