Kabanata 8

3038 Words

Thylane “Good morning, Martin!” tuwang-tuwa kong bati sa bunso namin. Inayos ko ang pagkakaharap sa akin ng phone at saka ngumiti rito. “Morning, bruha.” Napanguso ako sa pagkabagot ng boses nito. Tila hindi naman masaya na kausap ako kahit sa phone lang. Kahit kailan talaga ay walang oras sa tuwing nagkikita kami na hindi niya ako iniinis. Buwisit talaga sila ni kuya Alfonso. “Hmp! May swimming kami ngayon. At alam mo bang ang saya-saya namin dahil wala ka rito,” panggagatong ko sa pang-aasar nito, kahit na ang totoo ay talagang miss na miss na namin siya. Sa edad na labing-walo ay nawalay na agad siya sa amin dahil sa pagpasok niya sa isang akademya na para sa mga nais magsundalo. At isang taon na itong wala rito sa amin, nakakalungkot ngunit pagsusundalo talaga ang nais niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD