Thylane “S-Steve, ikaw nga...” Hindi ko alam kung bakit naging hilaw ang mga ngiti ko rito. Kinakabahan ako sa presensiya niya na hindi ko maintindihan. Ano ba ang problema niya? Hindi ko naman siya pinagtataksilan gaya ng akusa niya kanina. Hindi naman kami magkarelasiyon. Nanliligaw pa nga lang siya pero parang mag-asawa na kami kung mag-react. “Sino siya, Thy? Akala ko ba ay wala kang boyfriend?” singit ni Dan na hinigit ako palapit sa kaniya, ngunit hindi nagpatalo ang galit na galit na si Steve. Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa beywang ko. Napakaseloso naman nito. Hindi maganda na ganito siya makitungo at magalit dahil lang sa may kasama akong lalaki. At saka hindi naman ako naglalandi, nakikipagkaibigan lamang ako at wala naman akong nakikitang masama roon.

