Kabanata 7

2952 Words

Thylane “Bata, huwag ka nang mailang sa akin, ha? Simula ngayon ay ituring mo na akong parang kaibigan mo...” Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko habang matiim ang pagkakatingin sa akin. Hindi ko alam... ngunit tila gumagaan na ang loob ko rito. Marami siyang naikuwento sa akin tungkol sa kaniyang Lola na mahilig daw magluto at paghandaan siya. Nais niya raw akong dalhin doon minsan upang makilala ko raw ang Lola niya, paniguradong matutuwa raw iyon sa akin. Ngayon ko lamang napagtanto na nakakaaliw rin pala itong magkuwento ng mga tungkol sa buhay niya kasama ang kaniyang Lola. May kabaitan din naman pala na taglay ang lalaki, akala ko ay puro lang siya yabang at angas. Mabuti rin palang apo. Nakakatuwa lamang. Kaso tila may hindi sila pagkakaunawaan ng kaniyang mga magulang...

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD