Thylane “I-I mean, isusumbong k-kita sa kuya kong pulis. Kidnapping itong ginagawa mo, S-Steve.” Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Halatang nagalit ito sa sinabi ko at lagot ako nito. N-Nabigla lang naman ako. Siya kasi, e. Puwersahan niya akong kinuha roon. Napangiwi ako at kinagat ang hintuturo nang sumakay ito sa motor niya. Wala na ang emosiyon ng mukha nito... Binuhay nito ang makina ng motor bago ako tingnan na hanggang ngayon ay nakokonsensiyang nakatingin dito. “Hindi ko alam na matapos kong ibuwis ang buhay ko para sa isang babae ay magagawa niya akong pagsalitaan ng ganito.” Umismid ito sa kawalan matapos magparinig sa akin. Yumuko ako dahil bigla ay nakonsensiya ako sa sinabi niya. Oo nga naman at nagbuwis siya ng buhay noong mga nakaraan tapos ganito lamang ang

