"WALA kaming relasyon ni Savannah." "Wala?" at mapakla siyang tumawa, "pero kung tawagin ka niya ay darling?" "Come on, pinaghihinalaan mo ba ako?" Hindi siya sumagot. "Pinagseselosan mo ba si Savannah?" "Of course not," mabilis niyang sagot. Napansin niya ang sakit na gumuhit sa mukha ni Kier. "Asawa mo ako at bagong kasal lang tayo. Paano na lang pala kung naging totohanan ang ating kasal? Ganito mo ba ako tatratuhin sa harap ng maraming tao, bilang asawa mo? Harapan kung makipaglampungan ka sa ibang babae?" "Bakit ba napunta sa akin ang ating usapan?" "Dahil ikaw ang sinimulan," aniya. Inis na tinalikuran niya ito. Tinungo niya ang closet at kumuha ng damit na maisusuot. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Kier, ngunit malakas na kalabog ng pinto ang isinagot niya rito. Hindi al

