SINUBUKAN niyang itulak si Kier palayo sa kanya, subalit nasayang lang ang lakas niya dahil sa mahigpit na yakap nito. Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa, iniyuko nito ang ulo at hinalikan siya nang mariin, pinipigilan ang kanyang pag-iyak. Ang nag-aalab nitong halik ay sapat na upang tanggalin ang lamig na bumabalot sa katawan niya. Gusto niyang magalit rito subalit kahit na ano pa siguro ang mangyari, hindi niya kayang pigilin ang sariling mahalin ito. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay yumuko si Kier at binuhat siya. "Tayo nang pumasok sa loob ng bahay. Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Labis mo akong pinag-alala nang makausap ko si Teresa. Hindi ka raw niya nakitang lumabas ng bahay, pero wala ka rin daw sa kuwarto." Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. Siya ay pisika

