“Dad!” sigaw ni Jelo sa kay Jeremy ng pinipilit nitong makita si Vita. “Sinabi sa akin ni mommy na huwag kong hahayaan na lumapit ka sa kanya or else hindi ko na siya makakasama,” pagmamaktol nito. “Do you really like Vita as your mom?” seryoso niyang tanong sa anak. Napaiwas ito ng tingin. “Yeah. She cared for me, like a mom that always do.” Napabuga siya ng hangin saka naupo sa sofa. Hinawakan niya ang kamay ng anak. “Sorry, Anak, kung hindi kita mabigyan ng kompletong pamilya. Gustohin ko man ibalik ang mommy mo ay hindi ko na magawa.” Ngumiti ito, pero alam niya sa loob nito ay nalulungkot ito. “That’s okay, Dad. I understand. Sapat naman na kayo, eh.” Hinaplos niya ang malabot nitong pisngi. “Yan ang sinasabi mo, pero alam kong naghahanap ka pa rin ng kalinga ng i

