KINABUKASAN ay pumunta si Vita sa hotel kung saan nag-i-stay sina Jeremy at Jelo. Nang malapit na sa hotel ang taxi ay nakita na niya agad ang mag-ama sa entrance pa lang ng hotel. Naghihintay sa kanya. Huminto ang taxi na sinasakyan niya sa harap ng hotel. “Pakihintay na lang po ako dito, Manong,” sabi niya sa driver. Tumango naman ito kaya naman lumabas na siya. Malaki ang naging ngiti ni Jelo ng makita siya. Tumakbo ito sa kanya saka siya niyakap. Kinarga naman niya ito saka ngumiti sa bata. “Good morning, Mom.” Humalik ito sa pisngi niya. “Good morning din, Baby,” balik bati niya dito. Biglang nawala ang ngiti niya ng lumapit sa kanila si Jeremy. “Good morning, Mahal,” nakangiti nitong bati sa kanya. Inikotan niya ito ng mga mata saka hindi pinansin. “Aalis na b

