Naging tahimik ang buhay ni Primo sa mga sumunod na araw. Matapos ang huling punta ni Ronnie sa bahay niya ay hindi na ito bumalik pa. Hindi rin siya nito nagawang kontakin man lang. Tinupad naman nito ang sinabi na magpapadala ito ng pera. Huminga nang malalim si Primo habang nakatayo sa harapan ng bintana at nakatingin sa labas. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkainip at pagkadismaya. “Nagce-celebrate sana ako ngayon kasi tahimik ang buhay ko... pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang... bakit parang nalulungkot ako?” Hindi maintindihan ni Primo ang kanyang sarili. May parte sa kanya na gusto niyang wala si Ronnie sa paligid niya ngunit mayroon din sa kanya na nasasabik na muli itong makita, may parte sa kanya na nagnanais na magpakita ito muli at manggulo at hahayaan na

