CHAPTER 27

1865 Words

Nakaupo sa gilid ng kanyang kama si Primo at kanina pa nakatingin sa screen ng hawak-hawak niyang phone sa kanang kamay na kanina pa tumutunog. Nakikita niya sa screen ang pangalan ni Ronnie. Ilang minuto na siyang nagdadalawang-isip at napapabuntong-hininga kung sasagutin ba ang tawag nito o hindi. “Halos dalawang linggo na ang nakalipas tapos bigla-biglang tatawag? Siguro may kailangan ‘to,” bulong ni Primo habang nakabusangot. Hindi niya alam kung naiinis ba siya o natutuwa dahil sa wakas ay tinawagan na rin siya nito. Nagbuga nang hininga si Primo. Ilang sandali pa ay pinindot niya ang accept button saka niya tinaas ang kanyang kamay at itinapat sa kanan niyang tenga ang cellphone. “Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero ngayon mo lang sinagot,” pambungad ni Ronnie mula sa kabilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD