Naglalakad sa loob ng mall si Primo. Patingin-tingin siya sa paligid. Mag-isa lang siyang nagpunta at mabuti na rin iyon para sa kanya dahil gusto niyang matahimik kahit sandali ang buhay niya. Napapangiti si Primo sa napapansin niya. Napapatingin sa kanya ang mga kababaihang nadadaanan niya at animo’y mga kiti-kiting kinikilig tapos magbubulungan na parang mga bubuyog. Ang iba ay magkakatabing nakaupo sa bench pagkatapos ay biglang magpapapalo sa balikat ng isa’t-isa para ilabas ang kilig na kanilang nararamdaman matapos siyang makita. May iba naman na bading at ganoon din ang reaksyon sa tuwing makikita siya, kinikilig lalo na sa ngiti niyang makalaglag-panty naman talaga. May mangilan-ngilan ring lalaki na sa loob-loob ay paminta pala. Hindi naman inilalabas ang kilig pero halatang gus

