Nakaupo nang pa-indian si Primo sa ibabaw ng kanyang kama at napapangiti habang abala na binibilang ang pera na napagbentahan niya ng mga raffle tickets. Maraming sumali na kapitbahay sa ginawa niyang raffle kagabi at may mga maswerteng nabunot kaya naman nakuha ng mga ito ang mga bagong appliances na bigay sa kanya ni Ronnie. “Mabuti na lang at matalino ka Primo.” Natawa pa si Primo sa sinabi niya. Mabuti na lamang at naisip ni Primo ang bagay na ‘yon dahil napakinabangan niya ang mga ito at ngayon ay may pera siyang binibilang sa kamay. “Ang daming bumili ng tickets kaya naka-sampung libo ako,” ani Primo na tuwang-tuwa. Two hundred pesos ang isang raffle ticket at kahit alam niyang mahal ang mga appliances dahil galing ito sa kumpanya ni Ronnie na kilala sa market, hindi niya naisip n

