Nagulat si Primo nang buksan niya ang pintuan ng kanyang tirahan. Bumungad sa kanya ang nakatayo na si Ronnie na nakapamulsa pa ang mga kamay habang nangingiti ang labi. Diretso itong nakatingin sa kanyang mga medyo nanlalaki na mga mata. “A-Anong ginagawa mo rito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Primo. “Gabi na,” aniya pa. Ningitian ni Ronnie si Primo. Pamaya-maya pa ay naglakad ito papasok ng bahay ni Primo na bigla namang napatabi at binigyan siya ng daan kahit hindi nito gusto. Mukha din kasing babanggain siya nito kapag hindi siya tumabi. “Magbihis ka at may pupuntahan tayo,” utos ni Ronnie. Umupo siya sa isang upuan saka dinekwatrong-pambabae ang mga binti niya. Nilingon ni Primo si Ronnie. Kinunutan niya ito ng noo. “Mamaya mo na pakunutin ‘yang noo mo at sundin mo na ko,” ani

