Napansin ni Primo ang mga matang nakatingin sa kanila ni Ronnie. May mga nagtataka, nanunuri at ang iba naman ay halatang nag-iisip ng iba tungkol sa kanila. Nakaramdam siya ng hiya sa mga tao kaya iniwas din kaagad niya ang tingin sa mga ito at muling tiningnan ang huli. “Pumasok ka nga tayo,” bulong ni Primo kay Ronnie. Kumunot ang noo ni Ronnie. “Why?” nagtatakang tanong niya. Nag-aalinlangang ngumiti si Primo. Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Ronnie ay hinawakan na lang niya ito sa kanang braso saka ito hinila papasok ng tirahan niya na ikinagulat naman ng huli kaya napasunod na lang ito papasok. Mabilis na itinulak ni Primo pasara ang pintuan. Pamaya-maya pa ay tiningnan niya ulit si Ronnie na nagtataka ang tingin sa kanya. Nagbuga si Primo ng hininga saka niya binitawan si

