Isa-isang umalis ang mga police car sa labas ng bar. Natapos ng maayos ang mahabang dayalogo sa pagitan ng mga pulis at ng may-ari ng bar na matinding paliwanagan ang ginawa hanggang sa maging malinaw ang lahat at mapatunayan na wala namang ilegal na aktibidad na ginagawa ang bar na pagmamay-ari nito. Tanging pagsasayaw lang ng mga performers at stand-up comedy ang mga programang ginagawa sa loob at walang nagaganap na prostitusyon o bentahan ng iligal na bato. Iyon ang mga inireklamo nang tumawag sa mga pulis kaya dali-daling nagpunta ang mga ito, bagay na pinabulaanan naman ng mga staff at may-ari ng bar at napatunayan naman iyon sa imbestigasyon ng mga pulis dahil naghalughog din sila sa loob ng bar. Nasa loob ng opisina ang mga staff at performers, kabilang na si Primo na labis ang na

