Muling bumalik si Ronnie sa kanilang bayan pero hindi siya dumiretso sa kanyang mansyon kundi sa bahay ni Sofia. Sa pagpasok pa lamang niya ay sumalubong na ito sa kanya na nakataas pa ang kanang kilay habang nanunuri na nakatingin sa kanya. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkainis. “Saan ka ba nanggaling? Tawag ako nang tawag sa’yo saka text nang text pero ni isa sa mga iyon ay hindi mo sinagot,” paglilitanya ni Sofia. “Ang daming naghahanap sa’yo kanina sa opisina at dahil hindi ko alam kung nasaan kang lupalop ng mundo ay hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanilang lahat,” pagpapatuloy niya. Tumingin sa ibang direksyon si Ronnie at nanatiling tahimik. Hangga’t maaari ay hindi muna niya sasabihin kay Sofia ang mga totoong ginagawa niya. Huminga siya ng malalim saka naglakad pa

