Mababakas ang pagkadismaya sa mukha ni Primo habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama. Hawak-hawak ng dalawa niyang kamay ang magkabilang gilid ng wallet niya kung saan iniisip niya kung aabot pa ba hanggang sa isang linggo ang perang nilalaman nito. Napabuga ng kanyang hininga si Primo. “Ang hirap talaga ng buhay kapag mahirap ka tapos wala ka pang trabaho,” aniya. Todo na ang pagtitipid na gagawin niya ngayon para tumagal ang perang meron siya. Naisip ni Primo si Teresa. Hindi pa niya ito kinokontak para sabihing hindi muna siya makakapagpadala ng pera ngayong linggo. Nag-iisip pa siya ng pwede niyang idahilan na maganda at hindi ito mag-aalala. Hindi niya gustong mag-alala pa ito kaya naman sosolohin na muna niya ang problema. Nagbuntong-hininga si Primo. Tiniklop na lamang niya

