Tulalang nakatitig si Primo sa kisame ng kanyang kwarto habang nakatihaya siya sa paghiga. Siya na lang mag-isa sa loob ng kwarto at umalis na kanina pa si Ronnie. Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga nangyari at napag-usapan nila. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkalito at hindi pagkapaniwala. “Nangyari ba talaga ang lahat ng ‘yon?” wala sa sariling tanong ni Primo. Napakagat-labi si Primo. Patuloy na tumatakbo sa utak niya ang bawat detalye ng mga nangyari na lubos na nakakaapekto sa kanya ngayon. Nilaliman ni Ronnie ang paghalik niya sa labi ni Primo. Dahan-dahan niyang ipinasok ang kanyang dila sa bibig ng huli na kusa namang bumuka at pinatuloy ang kanyang dila. Nagtagpo ang dila ng dalawa at nag-umpisang mag-espadahan. Nalasahan ni Ronnie ang mainit na laway ni Primo at gayundin a

