Nasa hapagkainan sina Theo, Rovic, Sofia at Theodore. Nasa kanang bahagi ang magkaibigan habang nasa kaliwa naman ang mag-ina at magkakaharap silang apat. Nakahain sa ibabaw ng lamesa ang mga pagkaing niluto ni Sofia gaya ng adobo at kanin na kasalukuyan nilang pinagsasaluhan. “Ang lakas mong kumain, Theodore. Halatang sarap na sarap ka sa adobo ng mama mo,” nangingiting sabi ni Theo kay Theodore na busy sa pagkain mag-isa. Marunong na itong pakainin ang sarili, ‘yun nga lang ay makalat pa itong kumain kaya madalas ay sila ni Sofia ang nagpapakain sa kanya. Tiningnan ni Rovic si Theodore, sumilay ang ngiti sa labi niya. “Favorite din yata niya ang adobo, tama ba, Sofia?” tanong niya saka tiningnan naman niya si Sofia. Naalis ang tingin ni Sofia kay Theodore saka tinapunan nang tingin si

