Bumaba si Ronnie mula sa kanyang sasakyan ng maayos na niyang naiparada ito sa bakuran ng bahay nila Primo. Napangiti siya dahil sa sarap ng malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Ang presko sa pakiramdam niya dagdagan pa na napakasarap nitong langhapin. “Napakalaki talaga ng pagkakaiba ng hangin dito sa syudad,” bulong ni Ronnie. Tumingin-tingin si Ronnie sa paligid. Maaliwalas at kalat na ang liwanag kaya kitang-kita niya ang itsura nito. Masasabi niyang simpleng lugar lang ito ngunit siksik sa mga magagandang tanawin. Muling lumanghap ng sariwang hangin si Ronnie saka siya nagpasyang maglakad papunta sa bahay nila Primo. Hindi na niya kinailangan kumatok pa dahil nakita niyang bukas ang pintuan nito kaya tuloy-tuloy lamang siya sa pagpasok sa loob. Naabutan ni Ronnie na na

