CHAPTER 36

2477 Words

Magkatabi sa kanilang mga upuan sila Primo at Ronnie na nasa kaliwang bahagi ng lamesa habang nasa harapan naman nila at nakaupo sa upuan na nakapwesto sa kanang bahagi si Teresa. Nakahain sa ibabaw ng hapag-kainan ang mga pagkaing niluto ng huli at kanila nang pinagsasaluhan. Tumingin si Primo kay Ronnie na patuloy lamang sa pagkain. “Masarap ba ang luto ni Nanay?” pagtatanong niya rito na ikinatingin din ni Teresa kay Ronnie. Sandaling tumigil sa pagkain si Ronnie. Nilunok niya ang kanyang ningunguyang pagkain saka tiningnan si Primo. Tinapunan din niya ng tingin si Teresa na nakita niyang nakatingin sa kanya. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Primo saka siya ngumiti. “Ito ang gusto ko sa sinigang na baboy, ‘yung sobrang asim at malagkit dahil sa gabi. Ang sarap pa ng kanin dito,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD