Prenteng-prente na nakaupo si Ronnie sa upuan na gawa sa kahoy. Nasa loob siya ng bahay ni Primo. Mababanaag sa mukha ni Ronnie ang pagod sa mahabang biyahe pero makikita rin ang saya dahil sa nakasama na naman niya sa mahabang oras si Primo. Sa tuwing kasama niya ang binata ay tunay na sumasaya ang kalooban niya. Mula naman sa banyo ay lumabas si Primo at nakabihis na ng t-shirt at short na hanggang itaas ng kanyang tuhod ang haba. Napatingin siya sa kinaroroonan ni Ronnie na tumingin din sa kanya. “Naihatid mo na ako ng ligtas at buo dito sa bahay ko gaya ng gusto mo kaya pwede ka nang umalis,” ani Primo. Kinunutan ng noo ni Ronnie si Primo. “Hindi ba pwedeng magpahinga na muna ko? Masyadong nakakapagod ang mahabang biyahe,” aniya pa. “Alukan mo ko ng tubig o juice hindi ‘yung pinagt

