Kinaumagahan. Nakaupo si Primo sa upuan na nasa harapan ng lamesa kung saan nakahain naman doon ang almusal na kasalukuyan naman niyang nilalantakan. Ito ang menudong niluto niya kagabi na hindi naubos dahil sa biglaang pag-alis ni Ronnie. Speaking of Ronnie, huminto si Primo sa pagkain niya at napapaisip na naman siya sa dahilan nang biglaang pag-alis nito. “Ano kayang emergency ‘yon?” nagtatakang bulong ni Primo sa hangin. “Sana hindi naman malala,” aniya pa. Medyo nag-aalala siya. Nagbuntong-hininga si Primo. Ewan ba niya sa kanyang sarili kung bakit niya pa iniisip hanggang ngayon ang bagay na ‘yon. Lumukot ang kanyang mukha. “Kainis! Ano naman kung umalis siya kaagad? Bakit ba ako nag-aalala? Wala lang naman dapat sa’kin ‘yon pero bakit naghahanap ako ng mga sagot sa mga tanong

