Tumawa ulit ako para ibsan ang ilang na nararamdman. "Ikaw talaga… palabiro ka masyado," hindi ako makatingin ng maayos kay Jude. "Alam mo na hindi ako nagbibiro, Kellie," seryoso pa rin ang boses niya. "I know you’re aware about my feelings for you. Hindi naman sikreto ang bagay na ‘yun sa ‘yo, hindi ba? Alam kong alam mo ang tinutukoy ko." "Jude—" "But, I won’t force myself to you. Ayos lang kung hindi mo ako magustuhan pabalik. Ang importante sa ‘kin… magkaibigan tayo at nakakasama kita." I smiled bitterly at him. "I’m a wreck… and I’m sorry if I can never reciprocate your feelings." "That’s okay," he gently patted my head like a little girl. "Tara na, baba na tayo? Nandito na tayo sa inyo." Napatingin ako sa labas. Doon ko lang napagtanto na nakarating na pala kami sa bahay kaya

