Panay ang tingin ng mga tao sa amin habang naglalakad kami patungo sa bahay nila Kaykay. Hawak ko ang kanang kamay ng bata habang si Jude naman ay nakahawak sa kaliwa. Ilang pangungumbinsi rin ang ginawa ko bago mapapayag si Kaykay na isama kami sa kanila. Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa ng matanda kanina at kailangan ‘yon bigyan ng pansin. Hindi titigil ang ganoon kung ipagsasawalang bahala na lamang nila ito. Tumigil kami sa isang barung-barong na bahay, katabi lamang ng estero. Nagdadalawang isip pa si Kaykay nang lingunin kami ni Jude. "Talaga po bang… gusto niyong makausap si Mama?" "Oo…" tango ko. "Pero—" "Makinig na lang tayo sa Ate Kellie mo," ani Jude sabay ngiti sa bata. Nilingon ko rin siya. Tumingin siya sa akin at tipid akong nginitian. Bumitiw na sa hawak namin s

