"Kellie…" sambit ni Jude. Ang kanyang boses ay puno ng iba’t-ibang emosyon, pero nangingibabaw ang saya rito. "Ang t-tagal kong hinanap ang batang iyon… and hindi ko alam na kasama ko na pala siya." Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa aking nalaman. Matagal ko na ring hinahanap ang batang nagbibigay ng pagkain sa akin noon. Kaya lang, nawawalan na ako ng pag-asa sa paglipas ng panahon. Kahit gusto ko siyang makita para mapasalamatan, hindi na ako umaasa na mag ku-krus pa ulit ang landas namin. Pero… tama nga ang iba na maliit lang ang mundo. Hindi ko akalain ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang batang lalaking tumulong sa akin mahigit isang dekada na ang nakakaraan. "Mas lalo kitang gustong alagaan ngayon," bulong lang iyon nang sambitin ni Jude pero malinaw na narinig ng mga ta

