Bumitiw na ako sa yakap ni Jude nang mahimasmasan ako. Pasimple kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Masaya na ulit ang tugtog. Kaming dalawa na lang ang hindi gumagalaw sa dancefloor. Ang ibang tao ay nagsimula na ulit sumayaw. Nakadikit pa rin ang katawan niya sa akin at hawak na niya ulit ang baywang ko. Kahit na hindi ganoon kaliwanag kung nasaan kami, kitang-kita ko pa rin ang emosyon sa mga mata niya. His intimidating, yet enticing eyes. Gusto kong tingnan na lang ang mga ito dahil parang nangungusap sila at sina sabi sa aking magiging ayos din ang lahat. Hindi man ngayon… pero kalaunan. "Balik na tayo sa taas?" bulong niya sa kaliwang tainga ko. Isang tango lang ang sagot ko sa kanya. Bumalik na kami ni Jude sa pwesto namin. Hawak niya ang kanang kamay ko hab

