Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ang pamilyar na takot – na matagal ko nang tinatakasan – ay muli ko na namang naramdaman. My hands felt numb, even my body. Memories of the tragic death of my mother and sister flashed in my head. Mas lalo akong nanghina. Nanginginig na ang mga tuhod ko, pakiramdam ko’y babagsak ako sa sahig anomang oras. "Ma’am, maiwan ko na po muna kayo," bulong ni Lucy bago lumabas sa opisina ko. Gusto kong magsalita at pigilan siya na huwag umalis. Kaso, maging ang sarili kong boses ay tinakasan na rin yata ako. "Long time no see, Kellie…" sambit ulit ng taong pinakasususklaman ko. May mapaglarong ngiti sa kanyang labi, na para bang gustong-gusto niya ang nangyayari. Wala siyang masyadong pinagbago ngayon, maliban na lang sa pagiging maputi ng buhok niya. Ang kany

