"Nanay… Ate…" wala na ‘ko sa sarili habang naglalakad sa daan. Wala akong tsinelas na suot. Ang damit ko’y marumi at may mga punit ang manggas. Dalawang araw na yata akong palakad-lakad sa kalsada. Walang laman ang tiyan ko ngunit hindi ko maramdaman ang gustom. Ang ginawa ni Martino sa aking kapatid at ina ang tanging nasa isip ko ngayon. Kita-kita ng dalawang mata ko ang kababuyang ginawa nila. Umiikot ang sikmura ko kapag naaalala ko kung paano niya nilapastangan si Nanay at Ate. Nasusuka ako! Nakakasuka ang ginawa niya! Wala siyang awa! Parang pumatay lang siya ng hayop! Gano’n na lang ba kadali sa kanya ang pagkitil ng buhay ng mga tao?! "Bakit…" tumingala ako sa langit. "Bakit… s-si Nanay at Ate? A-anong kasalanan nila? P-paano na ako? Saan a-ako pupunta?" mapait na tanong ko sa ku

