Mabait naman talaga iyong Mama niya pero ngayon na nasa harapan niya ako, kumakain ng inihanda niyang dessert, e masasabi kong mas lalo siyang bumait. Kasi siguro nakikita niya iyong kalagayan ko ngayon kaya ganoon. I'm almost 5 months pregnant. Halatang-halata na sa umbok at hindi ko na rin maipagkakaila sa lahat iyon. "How's your health? Is the baby giving you a hard time? Malikot ba? May pinaglilihian ka?" Full of concern na tanong niya habang umiinom ng pinahanda niyang tsaa. Umiling naman ako. Iyon na nga... mukhang naiintindihan naman ng anak ko iyon. Ito lang talaga, iyong nanay niya ang pasaway. "Hindi naman po... malusog naman daw iyong bata na nasa sinapupunan ko. Saka inaalagaan naman po ako sa bahay." Ngiti ko naman. Tumango naman siya, medyo naluluha pa nang tumitig sa ak

