I'm still hoping na may magandang balita...that he survived. Ayaw kong umiyak, pinigilan ko ang sariling umiyak. Pero parang minamartilyo naman iyong puso ko sa sakit. Umabsent ako nang araw na yon. Nanonood ng tv. O kaya'y kinakausap si Georgia, para sumagap ng balita. Ayaw kong maniwala... na hindi siya nakasurvived doon. Sabi ay kulang ng isang bangkay iyong aksidente. Lahat patay, hindi na makilala kasi muntik nang maging abo. Walang nagmatch ang para kay Hawk. Kaya kahit papa'no naniniwala ako na buhay siya. Saka malakas naman ang instinct ko na buhay siya... kahit na... ang hirap maniwala. "Wala pa ring balita..." wika ni Georgia nang tumambay kami sa tapat ng cafeteria. Sa labas noon may bench, nakaupo kami roon. Ako na kada segundo ay natutulala. "Buhay siya, pakiramdam ko b

