"Uwi na tayo?" Di mapakaling sabi ko nang umagang yon.
Ngayon na kami na... na sinabi kong susubukan ko ay para bang mas naging delikado sa akin iyon. Sa itsura at hilatsa pa lang ng mukha ni Sir Hawk. Alam ko nang di magtatagal at mabubuwag ang self control na meron siya.
Obvious naman... sa pananalita pa lang e ebidensya na nang pagiging makamundo niya.
Ngumisi siya at umiling saka pinagapang ang isang daliri sa braso ko. Nanlalaki tuloy iyong mga mata ko at napatayo mula sa pagkakaupo. Nag-iinit na naman ang buong mukha ko sa nangyayari. Para bang sumasabog sa balintataw ko ang katotohanan. Kahit naman bawiin ko iyong sinabi ko, may magbabago pa rin.
"Relax..." ngisi niya at hinila ang kamay ko para maupo roon. Napalunok naman ako at muling tumitig sa harapan. Kung saan tanaw namin ang bakuran. May ilang dumadaan, ngunit kakaonti lamang iyon. Siguro nga nasa eksklusibong subdivision kami ngunit pansin ko rin na nasa malayo, mas malayo kumpara sa mga kabahayan.
"Mamanyakin mo naman ako e..." iling ko at sumilip muli sa labas.
Magkanda-ubo-ubo siya sa pagtawa. Ang sama na naman tuloy ng pagkakatitig ko sa kanya. Dumadahilan pa, obvious namang gusto niya lang na manyakin ako.
"Isusumbong kita kay Mama... behave ka nga." Irap ko na sinigundahan niya pa rin ng tawa.
"I'm well behave, Sheeva."
"Sa lagay na yan?"
Hindi talaga nauubusan ng tawa ang isang 'to. Minsan, pag sumusobra na... na sa halip na mapikon ako ay natatawa na lang din ako sa nangyayari. Bakit kaya ganoon?
"Sheeva, we have three more days to go. Gusto ko sulitin natin yon bago tayo bumalik sa Metro. Iyong date, iyong date talaga na hindi mo ako tinatakbuhan." Bulong niya.
Napakurap ako ng isang beses hanggang sa umiba iyong pagkalumanay ng mukha ko... nahihiya na naman ako sa mababang dahilan. Ngumuso na nga lang ako at inaya na siyang pumasok para kumain.
Tuwang-tuwa naman siyang nakasunod sa akin. Hanggang sa kusina nga ay kinukulit niya pa rin ako. Minsan, para matahimik lang siya ay binibirahan ko ng pang-iinis.
"Sinabi ko naman kay Mama na mahirap pa ring magtiwala lalo na at kakakilala niyo lang. Nagtataka nga ako kung paano mo siyang o silang napapayag na samahan ka rito sa Baguio. Anong pinakain mo?" Kunot noong tanong ko.
"Kinuha ko ang loob. Tulad ng pagkuha ko ng loob mo." Iling niya at uminom ng tubig.
Napa-'ha?' naman ako roon. Paanong nangyaring ganoon? May magic ba? Kakaiba ba siya para sa ilang sandali ay agad niyang nakukuha ang loob namin?
Umasim tuloy itong sikmura ko dahil sa biglang inisip.
"Naglalaro ka na naman ba?"
Natigilan siya sa pag-inom ng tubig at kumunot ang noo hanggang sa ngumisi.
"I told you, Sheeva. I have no time for games. Hindi ako tumatandang paurong kaya sinasabi ko sa'yo, stop imagining things. You're making up your own dilemma." Nakailing na wika niya noon.
Napabuntong hininga naman ako at sumandal sa upuan. Hanggang sa nauwi sa pagtitig ko sa kanya.
Ang gwapo lang talaga... he's really the right definition for tall, dark and handsome. Iyong maugat niyang kamay hanggang bisig, medyo nakakairita dahil sa distraction na dala nito. Pakiramdam ko nga pinaglalaruan niya lang ako dahil nga kakaiba siya sa lahat. Ang dali lang para sa kanya na sabihin lahat ng iniisip niya. Na minsan na sa halip paniwalaan, ay mas nagiging kaduda-duda.
Maswerte... maswerte na raw ako kasi ako ang pinili niya. Pero minsan naiisip ko, maswerte nga ba talaga kung hindi naman sigurado kung seryoso nga siya sa akin?
Nagstay lang ako sa loob ng silid ko ng ilang minuto, hanggang sa kinatok niya na ako. Nag-aaya. Pagabi na rin kaya ano naman ang gagawin namin sa labas?
"Bar hopping, Sheeva... samahan mo'ko. Let's have fun tonight but you're not allowed to drink."
Napailing na lang ako roon at nilakihan ang bukas ng pintuan. Sayang-saya naman siyang pumasok at naupo sa kama. Atubili naman akong kumuha ng maisusuot. Lahat... nakahanda ayon sa taste ni Ate Godiness. Pinakialaman niya ang mga gamit ko bago siya umalis. Kaya alam ko na medyo revealing iyong iba roon.
"Maghihintay ka?" Taas kilay na tanong ko, sana pansin niyang pinapaalis ko siya. Hindi naman yata tama na naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa bathroom nitong silid pagkatapos ay nandito lang siya, nakaupo at nagmamasid.
But, ang kapal lang talaga ng apog.
"Hello... maliligo ako." Siguro nama'y rinig niya na iyon mula sa boses ko.
"I'll wait here."
Aba... ang tigas nga...
"Manigas ka diyan!" Nagdadabog na wika ko.
Humagalpak na naman siya ng tawa bago dinugtungan nang, "Talagang maninigas, hawakan mo pa."
"Ang gago lang!" Irap ko sa kawalan at nagmamadaling pumasok sa bathroom. Ni-double check ko pa iyong lock bago tuluyang naghubad.
Nakaramdam na naman ako ng ilang habang nagbubuhos sa loob. Awkward pala nito... iyong nandiyan lang siya habang naliligo ako. Hindi ko maiwasang mag-imagine ng kung ano-ano. And I can't blame myself for that.
Siya ang nagtanim sa isipan ko noon. Kaya hindi rin tama na nilalason niya ang malinis na isipan ko roon.
"Hm, bango 'By." Singhot niya.
Naibato ko tuloy sa kanya itong nahawakan ng kamay ko na sinalo niya naman kaagad. Ang sarap niyang sabunutan, kung hindi lang nakakailang na lumapit sa kanya dahil nga bagong ligo ako.
"I'll have blue balls for years, that's what I am sure of." Tawa niya pa rin.
Umirap naman ako at nagsuklay sa harap ng salamin. Paminsan-minsan ay sumisilip ako sa kanya na nakangising nakatitig sa akin. Umiling na nga lang ako bago tuluyan tinapos ang pagsusuklay.
Saka lang ako humarap nang tapos na ako roon. Kinuha ko iyong cellphone ko, wala nang iba. Nakadress akong maiksi, siguradong si Ate Godiness na naman ang may gawa nito kaya obvious din na nagustuhan niya kasi pabalik-balik ang pagtitig niya sa akin mula mukha hanggang sa kabuuan ko.
"Kuya... iyong mga mata natin diyan, baka lumuwa." I grinned. Siya nama'y tawa ng tawa at saka tumayo.
Tumitig din naman ako sa kanya. Nakapolo shirt naman siya, at shorts. Ang gwapo nga sana e... kaya lang, amoy apog. Ang yabang kasi.
"Let's go..." akbay niya sa akin at hinaplos ang balikat ko. Napataas kilay na naman tuloy ako bago tuluyang nagpatianod na rin.
Nasa labas na nang bahay iyong dala niyang driver mula day 1. Mukhang mabait naman si Kuya kaso laging seryoso. Hindi na lang ako nagkomento lalo na dahil pakiramdam ko hindi naman tama iyon gayong nandito si Sir Hawk, naughty wannabe boyfriend ko.
"First time ko..." nangingiming wika ko sa gitna ng pagpapasok sa amin.
Amuse lang na tumitig siya sa akin. Nakaangat ang gilid ng labi na para bang nagmamayabang.
"I'll make this your memorable first time..."
Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isipan niya. Kaso napatigil din ako roon sa iniisip ng naglalakad na kami paakyat ng bar. Masakit sa mga mata pero ewan ko nga ba at naaamaze ako sa mga nakikita. Ibang-iba sa mga nakikita ko sa palabas. Ito, totoong-totoo 'to. Walang duda, sanay si Sir Hawk sa ganitong kalakaran. Tinititigan ko nga siya at pinagmamasdan sa ginagawa. Parang alam niya na rin kung saan ang tamang daan para puwedeng pagpwestuhan.
Sa upper dock nga kami pumwesto, doon tanaw namin ang iba't ibang nagbiblink na ilaw. Nasa malaking sofa kami na kami lang ang tao. Malayo sa iba... at naisip ko, nasa VIP ba kami? Kung oo, magdudududa pa ba ako roon?
"How's it?" Maya'y tanong niya, mas malapit na sa tenga ko iyong pagkakabulong niya. Naiintindihan ko naman kasi nga maingay.
"Nakakahilo pero nakakaamaze..." ngumisi siya sa sagot ko na yon.
Tumawag nga ito ng waiter at umorder ng umorder ng inumin. Tahimik lang ako sa tabi niya. Kami lang naman kasi ang nandoon sa sofa na yon kaya wala akong ibang mapagbalingan. Ngumuso na lang ako no'ng nakita na dumadami na ang baso at bote ng alak na nasa table namin. Pakiramdam ko e tinatamaan na rin siya, ebidensya kung paanong humahaplos paminsan-minsan ang kamay niya sa braso ko o kaya sa bewang ko. Tinatamaan na rin yata siya kasi nga nag-iiba na iyong pagkakaseryoso ng mukha niya.
"Tama na nga yan..." saway ko ng kumuha pa siya ng isang bote.
Ngumisi lang siya at binitawan ang bote sa ibabaw ng mesa. Tumitig naman siya sa unahan, ako nama'y kunot noong nakatitig sa kanya. Namumula ang pisngi ko sa tanawin. Mas lalo tuloy siyang nagiging gwapo kasi nga parang lasing na hindi naman. Kaya lang sa tantiya ko ang dami-dami na nga niyang nainom.
Napaiwas na lang ako sa mukha niya at muling tumitig sa mga boteng nando'n. Nanginginig nga ang kamay ko nang inabot iyong isang bote at nagbuhos sa basong ginamit niya.
Inumang ko iyon sa labi ko at inisang lagok kaso napabuga ako sa unahan, hindi diretsa sa kanya. Lasang-lasa ko iyong pait ng inumin. Siya nama'y nanlalaki ang mga matang napatitig sa akin nang lingunin ko.
"Sheeva?!"
Natawa na lang din ako. Sarap na sarap siya, samantalang ako ay namamanhid ang dila dahil sa alak na iyon.
"You're so hot..." sa huli'y ngisi niya at idinantay ang isang kamay sa ibabaw ng tuhod ko. Ngumuso tuloy ako at tumitig sa hamba ng second floor nitong bar.
Naaaliw na rin ako sa naririnig na disco music. Nag-iinit ang batok ko sa excitement. Parang gusto kong sumayaw. Hindi dahil sa lasing ako. Ni hindi nga umabot sa lalamunan ko iyong alak...
"Marunong kang sumayaw?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya... napangiti na lang ako at hinila ang kamay niya. Tawang-tawa naman siyang sumunod sa akin. Nagtatakbo na naman ako pababa, kahit maingay ay rinig ko iyong lakas ng tawa niya.
Mas lalo ko siyang hinila hanggang sa pinakadulo ng mga nagsasayawan. Pumikit lang ako sandali at ngumising tumitig sa kanya. Hawak ko pa rin iyong kamay niya hanggang sa nagtatalon na ako at sumayaw-sayaw ng kaonti. Iyong pabebe lang... kemeng-keme.
Tumawa naman siya at hinigit ang bewang ko. Ngumunguso ako noong tumingala sa kanya.
"'By, hindi ganyan ang pagsasayaw. It should be sexy and sexual." Iling niya at ginalaw ang pang-ibaba.
Halos lumuwa iyong mga mata ko sa gulat. Ramdam ko nga talaga, iyong paggiling niya. Nahihiya ako dahil ramdam kong tumatama iyong sentro niya sa tiyan ko.
"Hoy, ang libog mo!" Sigaw ko.
Humagalpak naman siya ng tawa at mas giniling ang sarili. Natahimik naman ako at nag-iinit ang tenga. Naalala ko iyong napanood ko sa isang palabas, kung saan may lalaking gumigiling sa ibabaw ng entablado. Macho dancer siguro. Pero tiyanak! Ang landi-landi niyang gumiling. Nangingilabot ang tiyan kong tinatamaan ng hinaharap niya.
"Try, Sheeva. Iyong katulad nito. Pero sa'kin lang." hamon niya pa.
Umirap naman ako at lumingon sa kabila. Ganoon na lang ang gulat ko nang nakita ang tatlong babaeng nakatitig dito, nakanganga, tulala at nakagat labi.
Suminghap ako at hinawakan siya sa kamay. Nag-iinit ang buong katawan ko sa nangyayari. Di malayong pinapantasya ng mga babaeng 'to ang lalaking bastos na sinasayawan ako. Pakiramdam ko nama'y hindi naman normal itong sayaw niya sa akin. May kalakip na kabastusan.
"Damn, Sheeva..." bulong niya at tumigil sa pagsasayaw. Idinantay niya iyong baba niya sa balikat ko at humigpit ang pagyakap niya sa bewang ko. Ang higpit-higpit. Na sa halip na kainisan ko ay pakiramdam ko parang sensasyon na pumaloob sa akin. Ramdam ko ang kilabot.
Ngunit mas ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya. Ganoon din ang lakas ng t***k ng puso niya.
"Hoy!" Pilit na kinakalas ko iyong braso niya sa pag-aalalang nararamdaman.
"Stay still, Sheeva. Ang landi mo." Awkward na halakhak niya.
Kumunot naman ang noo ko. Pilit ko pa ring kinakalas itong braso niya.
"Ikaw kaya ang malandi..." irap ako ng irap.
"Sabi mo..." halakhak niya at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin hanggang sa namimilog na lang ang mga mata ko nang tumitig sa kanya.
Alam ko na kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam niya ngayon.
Ay puta lang nito! Nakaturo si Manoy, walang-wala iyong shorts na nakatakip kasi ramdam ko iyong ulo. Iyong ulo talaga... dako siguro.