"Kung tatahimik ka lang ng ganyan, wala tayong matatapos sa Baguio."
Napabaling ako noon sa kanya, alas otso pa lamang ng gabi. Ngunit pakiramdam ko e ang haba na nang nilakbay namin. Paano ba naman kasi pagkatapos niya akong sagutin ay natahimik na lamang ako. He was right! Anong assurance na hindi lang siya ang maglilibog? Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako.
Lumunok ako at naupo nang maayos. Ngumiti na lang ako, na hindi naman yata niya binili. Ngumingisi nga e. Parang amuse na amuse sa sitwasyon.
"Bakit ako?" Maya'y kunot noong tanong ko. Napahinga siya ng malalim. Tumitig sa unahan, partikyular sa upuan ng driver. Siguro nag-iisip ng sagot. Nag-iisip pa ba 'to kung lahat ay lumalabas naman sa bibig niya nang walang balakid?
"I told you, Sheeva... hindi na ako bumabata para sa laro na iniisip mo. I like you. I want you. And I am getting there..."
Mas lalo lamang kumunot iyong noo ko. Hindi ko pa rin gets kung bakit ako nga!! Totoo namang ang daming babae diyan, iyong bata pa rin ngunit mas siguradong matured kumpara sa akin. Iyong match sa status niya. Or kahit wag na basta't kilala. Ang senti-senti nga dahil iniisip ko na ano naman iyong pangalan ko? Hindi pa ako nakakapagtapos, hindi rin ako sikat na model. Wala nga... kilala lang ako ng mga taong kilala ko rin. Wala sa industriya ng kinabibilangan ni Sir Hawk iyong pangalan ko.
Iniimagine ko pa lang ang mga reaksyon ng mga tao sa opisina ay kinakabahan na ako. For sure, may judgment na namang mangyayari... at siguradong makakarinig ako ng litanya. This will be the first time na hindi ako excited na bumalik sa office sa susunod na pasukan.
"Sheeva, kailan mo'ko sasagutin?"
Naningkit kaagad iyong mga mata ko nang tumitig sa kanya. Di na makapaghintay? Atat? Baka nakakalimutan niyang dalawang buwan pa lamang siyang nanliligaw. Naiinip na?
"I think you should ask if I have plan to say yes..."
Amuse lang itong ngumisi at tumingin sa labas bago isinandal ang gilid ng ulo niya sa tuktok din ng ulo ko. Napasimangot ako, nagpapabigat e... pakiramdam ko nananadya na lamang siya.
"Of course, may plano ka. Sheeva. I can hear your heart beats every damn times." Halakhak niya.
Nanlalaki na naman iyong mga mata ko. Pati rin yata butas ng ilong ko sa mga naririnig mula sa kanya. Sukat ba namang gumawa ng istorya... siniko ko nga iyong tiyan niya para tumigil siya sa pagiging asumero.
Nakatulog na nga ako sa pang-aasar niya. Nagising na lang ako nang nag alas dos nang madaling araw. Naalimpungatan yata ako noong naramdaman na binuhat niya ako. Saka ako natulog muli. Umaga na yata nang nagising na naman ako. Mag-isa. At ang sarap ng lamig ng hangin habang iniihip iyong kurtina ng tinutuluyan ko.
Napaupo na lang ako at mabilis na bumaba. Gayon na lang din ang simangot ko nang nakita siya sa gilid ng sala at nagpupush up. Ke umaga ay nagpapapawis. Tuloy, distracted na naman ako roon sa namumutok niyang muscles. Kumikibot pa sa tuwing ibinababa niya ang katawan.
Umungol ito... saka naupo at ngumiti no'ng nakita ako.
Umirap na lang ako sa kawalan at mabilis na naghanap ng ibang pwedeng paglabasan. Sakto at sa kaliwa ay kusina. Doon na lang siguro. Mas safe.
Pakiramdam ko ay hindi naman ako safe sa labas. Nando'n siya, nagmamayabang na naman.
Kumakain ako noong pumasok siya, nakat-shirt na gray at mukhang bagong ligo. Nalaglag na naman ang panga ko, na-hang sa ere iyong kutsara ko. Tawang-tawa naman siya at kumuha ng malamig na tubig mula sa loob ng ref.
Ang bango-bango niya... putek, mabango talaga.
Napasinghap na nga lang ako at mabilis na tinapos ang kinakain. Rinig ko pa rin ang tawa niya kahit na alam naman niyang naiilang na ako habang naghuhugas ng pinagkainan.
Iyon nga lang, tumakbo na ako paalis at umakyat para maligo na rin. Kabado na naman. At mukhang hindi magiging matiwasay ang umaga ko. Ewan ko nga ba... hindi naman ako ganito noon kay Sir Gracia. Siguro dahil alam ko naman mismo na kakaiba si Sir Hawk... may pagkamanyak.
Ngumiti siya noong nakita niya akong nakabihis na no'ng tuluyan na akong bumaba. Kinalma ko naman ang sarili at sumunod sa kanya palabas ng... bahay?
"Bahay mo?" Nakataas kilay na tanong ko.
Ngumisi ito at tumitig muna sa kabuuan ko. Saka tumango. Napairap naman ako, mukhang tumirik pa iyong mga mata ko sa sobrang bagal ng pag-irap ko. Paano, alam ko iyang mga titig niya... namamangha nga siguro siya kasi nakapekpek shorts ako ngayon. Nakaspaghetti strap pa. Babaeng-babae. Tuwang-tuwa naman ang loko.
"By, ang iksi naman masyado..." komento niya. Bago pa man ako makaakyat sa sasakyan.
Napatalon ako sa gulat. Ramdam ko iyong dulo ng daliri niya na tumama sa ilalim ng pigi ko. Hinila niya paibaba iyong sout kong shorts. Ang sama ng pagkakatitig ko sa kanya.
Ngumisi naman ito. Ngising parang nakajackpot. Umayos ako ng pagkakalingon sa kanya. At saka sinapak iyong baba niya. Umungol siya roon, nakajackpot din naman ako ah! Nasuntok ko siya ng may valid reason.
Rinig ko iyong hagalpak ng tawa niya nang pumasok sa loob ng sasakyan. Tumabi siya sa akin, gumilid naman ako para nama'y mailayo ang sarili.
Ngunit dumidikit siya, may hangganan ang space kaya sa huli ay wala rin naman akong maatrasan. Ngiting-ngiti naman siya at hinagkan ang ituktok ng ulo ko.
"Ang sarap mong asarin... nananapak."
Unti-unting nawala iyong inis ko at napalitan ng tawa. Ang gago lang talaga. Bakit naman kasi inaasar niya ako ng ganoon? Alam naman niyang nananapak ako.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ko na lang kalaunan.
Kumibit siya, umiling naman ako. Ewan ko naman kung may plano nga talaga siya para ngayon. Pero sa tingin ko mag-eenjoy din naman ako. Lalo na at ito iyong first time ko sa Baguio.
"Is it Gracia who made you dress up like a girl now?" Maya'y tanong niya pagkababa namin.
Inayos ko naman itong shorts ko at tumabi sa kanya. Nagpipigil naman siya ng ngiti. Naaamuse na naman siguro. At dahil nga... pakiramdam ko e tama lang din na tumabi ako sa kanya. Iyong siguradong magkakadikit kami. Sa liit nitong lugar na pinuntahan namin, pakiramdam ko pa rin ay mawawala ako.
"Oo..." amin ko.
Tumango ito, nakangiti pa rin. Kumunot naman tuloy iyong noo ko. Bakit tuwang-tuwa pa rin siya? Na ibang tao ang dahilan ng pagsusuot ko ng ganito?
Di ba siya nagseselos? Naloko na... nagdududa na naman tuloy itong puso ko. At ayaw ko noon.
"Di ka nagseselos?" Naisatinig ko, hindi napigilan ang pagtanong.
Tumawa siya at hinigit ako palapit sa kanya. Ngumuso naman ako. Bakit nga ba ganoon? Bakit di siya nagseselos? Nagpupumilit na naman sa isipan ko na baka nga laro lang ito. Walang seryosohan.
"Because I know I'll win you, no matter what Sheeva. Ako pa rin ang makakatuluyan mo."
"Lol! Ang apog kuya..." irap ko.
Humagalpak naman siya ng tawa at pinagapang ang palad sa bewang ko. Kinikilabutan ako roon at tumingala sa kanya... ngumisi naman siya.
"That same tingling sensation, Sheeva. Do you feel it? Have you ever feel it with Gracia? O sa akin lang..."
Bumilis iyong paghinga ko sa pagpipigil na wag siyang masigawan... ang yabang! Ang yabang nga talaga!
Tawang-tawa lang naman siya. Samantalang ako rito ay nag-iinit ang batok sa hiya. Mabuti na lang talaga at kami lang ang nandoon. Malayo sa ibang tao na naroon din sa park.
Kinagat ko na lang iyong pang-ibabang labi ko. Para pigilan sana ang pag-iinit ng buong mukha. But I think... paano nga kung ramdam ko iyong pagpisil-pisil ng kamay niya sa bewang ko? Napalunok ako at tumingala sa kanya. He, on the other hand, was busy watching the busy ground. Ngumuso naman ako at tumitig din sa unahan. Papalapit na kami sa maraming tao. Kailangan ko na ring magbehave. Lalo naman siya na mas malikot kesa sa akin.
Bumigat iyong dibdib ko at kinagat pa lalo ang pang-ibabang labi. Dala lang siguro ng amoy niyang nanunuot sa ilong ko kaya ganitong umiiba ang pakiramdam ko. Para bang sumama ng biglaan iyong pakiramdam ko. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba.
Pero kailangan kong kumalma.
"Let's try that one?" Turo niya sa gitna ng malaking lawa. Napabuntong hininga ako at hinila ang isang braso niya.
"Bakit Sheeva?" Pigil ngiting tanong niya.
"Pahinga lang..." hinahapong wika ko.
Tumango siya, at hinila ako sa ibang upuan na naroon. He was looking at me the whole time. Kinabahan ako noong tumayo siya.
"Ibibili lang kita ng tubig."
Umawang ang labi ko pagkaalis siya saka bumilis iyong t***k ng puso ko. Hanggang sa humihinga na ako ng malalim.
"Mainit ba?" Kunot noong tanong niya at idinantay ang palad sa noo ko.
Sa inis ko ay nasapak ko iyon. Nagtatakang tumitig naman siya sa akin.
Naiinis ako sa totoo lang, parang nawalan ako ng ganang mamasyal pa. Inilang lagok ko nga lang iyong tubig na binili niya. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Nakita ko nga lang siyang nagpupush up kanina. Naamoy ko nga lang siya. At naaburido lang ako sa mga biro niya. Biglang ganito... nag-iiba ang pakiramdam ko.
"Uwi na tayo..." tayo ko.
Kumunot ang noo niya ngunit tumango siya.
Bakit ganoon? s**t!
Masakit ang dibdib ko.
Napasunod din naman siya at lumabas kami sa park na iyon. Naghahanda na rin ang dala niyang driver. Pagkarating nga sa bahay niya ay tumakbo na ako paakyat at nahiga sa kama. Nagtago na rin ako sa ilalim ng kumot.
Ang init-init ng mukha ko. Para bang sinaniban ako noon.. biglang, ganito... nag-iba ang ihip ng hangin.
Hindi sa ayaw ko... mahirap lang talagang pumasok sa ganitong sitwasyon na alam ko ay biro-biro lang minsan kay Sir Hawk.
"Masama ba ang pakiramdam mo, Sheeva?"
Para bang lumuwa iyong mga mata ko sa gulat. Sa pag-iisip ko ay hindi ko na naramdaman na naroon siya, nakaupo sa gilid ng kama ko. Hinahaplos iyong ulo ko sa labas ng kumot.
Nakagat ko naman ang sariling labi at lakas loob na nilabas ang sarili sa kumot. Naupo ako sa kama at naiilang na tumitig sa kanya. Natulala yata ako at napakurap noong ngumisi siya.
Nang-iinis na naman.
"Alam ko na kung bakit... do you feel it?" Ngisi niya.
Umiling ako ng isang beses ngunit ginulo niya ang buhok ko. Saka siya lumapit sa akin. Parang ilang segundo lang ay ang lapit-lapit niya na sa akin. Hinaplos niya iyong leeg ko kaya napaatras ako.
Hinila niya naman ang braso ko at pinalapit sa kanya. Napasinghap ako.
Ngumiti naman siya at ibinaba ang mukha. Noon naman ako napaatras at panay ang pagsinghap. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko noong naramdaman ko ang labi niya.
Lumapit na naman siya at muling ibinaba ang mukha. Tinulak ko naman siya ng mahina.
Tuloy, humalakhak siya roon.
"Damn, girl... I though I need more days to feel you, Sheeva."
Iling niya at hinigit ako para halikan sa pangatlong beses ngayong araw.
Nanginginig yata ang mga mata ko sa panlalaki noon. Ramdam ko iyong labi niyang lumapat sa labi ko. Nagflickery pa yata kasi rinig ko iyong tunog. Iyong malanding tunog ng mga mumunting halik niya. Hindi gaanong dumidiin ang mga labi niya sa akin... parang pinaparamdam niya lang sa akin.
Ngumisi nga siya, ramdam ko iyong hampas ng kaonting hangin mula sa labi niya.
Nagkatitigan kami. Siya na tuwang-tuwa. At ako na gulat na gulat. Parang noon ko lang na-realize... crush ko si Sir Hawk, naiinis na kinikilig ako sa kanya.
Ang landi naman kasi... alam na alam niya kung saan ako huhulihin.
"Let's try, Sheeva... try me Sheeva... gagawin kitang reyna ko." Ngisi niya.
Kumibot iyong puso ko. Sunod-sunod. Hanggang sa kinabahan na ako. Namamanhid ang pisngi ko sa kaba. Nag-iinit... at kinikilabutan.
"Sheeva..."
"O-o-okay... tatry ko."
Sa sobrang tuwa niya ay lumawak iyong ngiti niya saka ako hinigit para mahalikan... nang mas malalim. Sabik na sabik. Tumutunog. At nakakapaso ng labi.
"T-te—-oh s**t!"
Para bang mahihimatay ako sa sobrang pusok ng mga halik niya... naninila. Buwesit?!