Komportableng-komportable ang Ate ni Sir. Walang keme. Basta't sinasabi nito ang nasa isip. Ako lang talaga ang nag-aalangan. Hindi dahil sa ayaw kong magsalita... nahihiya lang talaga ako.
"This is a pretty night... but we have to go." Kalauna'y sabi niya ng humikab iyong batang nasa kandungan niya.
Ngumiti naman ako at sumama kay Sir Hawk palabas ng hotel. Hinatid namin iyong mag-ina hanggang sa tuluyang pagkawala ng taxi. Napahinga ako ng malalim, parang noon ko pa na pinipigilan ang sariling huminga. Narinig ko na lamang ang tawa niya roon.
"I think my sister likes you... hatid na kita."
Tumango ako at namumungay ang mga mata na sumunod sa kanya. Antok na antok na rin ako. Paano ba naman kasi, 5 minutes na lang e mag-aalas doce na. Di ko akalain na aabot kami sa ganoon. Akala ko naman, madaling usapan lang ito. E napasarap yata sa pakikipagkuwentuhan iyong ate niya. Okay lang naman... kasi ang dami ko ring nalaman.
"Goodnight, Sheeva." Ngiti niya at hinalikan ako sa pisngi.
Siguro nga lutang na lutang na ako kaya hindi na ako umangal nang hinalikan niya ako roon. Cheeks lang naman. Hindi sa kung saan. Minsan naisip ko, paano kaya kapag sinagot ko na siya? Anong mangyayari? Hindi lang sa cheeks. At hindi lang din siguro sa lips. Baka kung saan aabutin. Alam ko iyang mga hilatsa ng mga katulad ni Sir Hawk. Masyadong mainit.
Kaya nga nag-iinit na rin ang pisngi ko nang maisip iyon. Naku, talagang mas lalong ayaw ko siyang sagutin. Mahirap na, iyong tiwala pa naman nina Mama at Papa abot hanggang kisame.
Napahinga ako bago pumikit. Nagising na lamang ako kinabukasan nang narinig na maingay sa baba. Nagmamadali naman akong bumaba ng kama at tumungo sa CR, nag-ayos ng kaonti saka nagtoothbrush bago tuluyang bumaba. At ganoon na lang ang pagsinghap ko nang ke umaga e naroon na kaagad iyong manliligaw ko. Ngiting-ngiti at mukhang galing sa mahabang tawanan.
Napasimangot ako at napairap sa kawalan, kalaunan nga lang ay tinabihan ko siya sa harap ng hapag.
Ngumisi ito, akala ko e nginingisihan niya iyong kuwento ni Mama... hindi, hindi si Mama kundi ako. Kaya mas lalo akong napasimangot noong bumati siya sa akin saka tumitig sa harap ng pantulog ko. Kumunot tuloy iyong noo ko.
"Be, bumabakat. Nakalimutan mo yatang magbra."
Boom! Sumabog iyong kamalayan ko sa bulong niya. Nag-iinit pati sikmura ko nang marealize na tama nga siya... nakalimutan ko kasi sanay naman akong hindi nagbabra pag nasa bahay lang.
Nahihiyang tumayo ako at naglakad ng dahan-dahan. Ngunit nang nasa ibaba na ako ng hagdan ay mabilis akong tumakbo paitaas. Nabibingi yata ako nang narinig ang malakas na tawa mula sa kusina.
Shit lang... napahiya na naman ako. At sa lahat ba naman ng makakapansin no'n ay siya pa talaga... na isang hamak na manliligaw ko.
Minumura ko nga iyong sarili ko habang kinakabit ang hook sa likod ko. Saka lang ako tuluyang bumaba ng nakitang okay naman na ang lahat.
O hindi... kasi nakita ko na naman siya. Nagkakape at amuse na nakangisi habang nakatitig sa akin. Napairap na lamang ako bago naghanda ng inumin ko sa umagang yon.
"Kailan ang alis niyo?" Biglang singit ni Mama mula sa kusina.
"Bukas ng gabi... and then we will be back on Saturday night. Bali 5 days ko po siyang hihiramin, Tita."
Kumunot naman iyong noo ko. Hindi ko maintindihan iyong pinag-uusapan ng dalawa. At mukhang ayaw namang ipaalam sa akin. Kumibit balikat na nga lamang ako bago kinuha iyong pagkain na nakahanda sa harap ni Sir. Bahala siya... alangan namang magalit siya sa akin. Si Mama lang itong sinasaway ako.
Sinamahan ko naman si Big Boss doon sa kanto ng village. May bibilhin lang daw siya. Hindi ko naman alam kung ano iyon ngunit pakiramdam ko e ginawa niya lang iyong excuse para makausap ako, na hindi ko naman maintindihan dahil sa dalas niya sa bahay tuwing weekend ay sanay naman siyang nandiyan sina Mama at kinakausap niya naman ako ng matino. Ito lang talaga...
"Pumayag na iyong Mama't Papa mo. Ikaw na lang Sheeva." Sabi niya at may tinurong nakapack na pagkain sa loob ng tindahan.
Mas lalo tuloy kumunot iyong noo ko. At nasagot lamang makalipas ang ilang minutong katahimikan. Naupo kami roon sa likod ng pick up niya, nasa pinakadulo kami ng village at sadyang wala masyadong dumadaan dito. Kaya ang tahimik.
"Papakita mo sa'kin iyang t**i mo..." akusa ko.
Nanlalaki ang mga mata ko nang nakita na namula pati leeg niya. Dapat joke lang iyon e! Kaso mukhang sineryoso niya iyong sinabi ko. Tawang-tawa naman ako. Pakiramdam ko ay nakapuntos ako sa puntong 'to.
"Ang bastos mo..." kalaunan pagkatapos na mahimasmasan ay tumawa siya.
Umiling ako, "Totoo naman e... kaya hiniram mo'ko kina Mama kasi babastusin mo ako. Tama ba?"
Mas lalong lumakas iyong tawa niya. Iling siya ng iling.
"Natututo ka na, a! Paano pa kaya kapag sinagot mo na ako?"
"Ay ang kapal, kuya?" Ako na naman itong natatawa. Saka ako napabuntong hininga. Totoo na this time.
"Seryosong usapan... bakit nga ba nanliligaw ka pa rin kahit sinabi ko nang walang pag-asa na sagutin kita?"
Ngumiti lang siya, iyong ngiti na parang panatag ito. Hindi ko naman maintindihan kung bakit binibigyan niya ako ng ganoong ekspresyon.
"Hindi iyon ang nakikita ko, Sheeva. Hindi sa nag-aassume."
Napairap ko, para bang inihipan ako ng masamang hangin kasi bigla na lang sumama iyong pakiramdam ko. Inaya ko kaagad siyang umuwi... talagang... ang hirap pala nitong pigilan. Iyong t***k ng puso ko. Nabubuhay na naman.
"You okay?" Maya't tanong niya ng tumigil ang pick up niya noon sa tapat ng bakuran namin.
Napalunok ako kunwa'y tumitig sa labas. Saka napahinga ng malalim. Sabi ko naman noon... susubukan ko kapag okay na ang lahat. Mukhang— nagiging okay naman ako. Iyong puso ko... iyong puso ko. Parang nagsasarili.
"You can say yes, Sheeva."
Kinagat ko iyong pang-ibabang labi ko saka tumitig sa kanya. Ngiting-ngiti naman ang gago. Parang nanalo sa biddings. Ako lang talaga sa lahat ng babaeng natatakot kasi nililigawan niya ako. Walang kahit ano. Seryosong nanliligaw. Hindi sa dahil pinipilit ko na kunwari'y laro lang ito. Kasi alam ko naman... na totoong nanliligaw siya. Pero paano nga? Ang hirap naman kasi.
"Sheeva..." buntong hininga niya. Obvious na natutuwa siya sa nakikita. Samantalang ako e hindi ko alam kung tama bang sa isang ihip lang ng hangin ay biglang naging mabango siya sa pang-amoy ko.
Kinagat-kagat ko iyong pang-ibabang labi ko. Kinakabahan. Ngunit nasa huwisyo.
Tumitig siya ng isang beses sa likod ko. At doon lamang sa lahat ng pagkakataon na napasinghap ako sa gulat. Lumapit siya, bumaba ang mukha... at sa isang iglap ninakaw niya na ang unang halik ko. Mababaw... parang dampi mula sa hangin. Ngunit diniin niya ng pagkakadikit ng labi niya sa labi ko. Namanhid ako noon. Nagulat. Ngunit napasinghap at nagulat ng ibinuka niya ang ang sariling mga labi. Inipit iyong pang-ibabang labi ko sa pagitan ng mga labi niya.
Hindi ko alam... na kakaiba nga pala kapag hinahalikan. Parang nakakakuryente. Parang tinatangay ako sa ibang dimensyon. At ang sarap... ang sarap-sarap. Dinuduyan yata ako, ramdam ko iyong antok sa bawat pag-ipit ng mga labi niya sa mga labi ko. Mula sa dahan-dahan... hanggang sa nagiging agresibo.
Napapikit na lamang ako... napakapit sa tapat ng t-shirt niya. Hanggang sa nauwi sa isang mahinang ungol. Nagulat ako roon... ngunit naging hudyat yata para sa kanya para laliman pa ang halik na iyon. Mas agresibo. Mas may init. At may kasamang dila na dumadampi noon sa bawat sulok ng mga labi ko.
Sa ginawa niya ay kusang nanginig ang mga tuhod ko. Humigpit iyong kapit ko sa tapat ng t-shirt niya. At nauwi sa nakakailang na ungol. Para bang nauuhaw ako... kahit paulit-ulit. Kahit mas mabilis na iyong mga labi niya. Nauuhaw pa rin ako.
Iyong dila niya kasi... nagpupumilit pumasok. Kumakatok. Nakakakilabot ang bawat dampi at pag-atras abante nito sa haligi ng aking mga labi.
"s**t!" Gulat na napaatras ako noong naramdaman ang isang buong kamay niya na nasa tapat ng dibdib ko. Nakadiin na pumisil.
Nagulat din siya sa ginawa at mabilis na napaatras. Sabay bawi ng kamay na nagmamalikot. Hingal na hingal ako. Ganoon din naman siya. Pero sa tingin ko mas hiningal ako sa ginawa niya. Ramdam ko iyong t***k ng puso ko, ramdam ko iyong pagkakamanhid ng mga labi ko at ramdam ko iyong kamay niyang pumisil sa dibdib ko.
Napatakip ako roon. Gulat na gulat. Hinahapo. At mukhang sinusunog ang sariling pisngi sa hiya.
Hayop... ang libog naming pareho!
Iyong pagpapaalam niya kay Mama't Papa... di kaya'y ikamamatay namin iyon? Ngayon pa nga lang... parang teenager na kaming nag-iinit. Mapusok.
Mali yata e. Gusto kong sabihin na ganoon. Pero paano nga? Nakapagpaalam na siya. Bukas na iyon ng gabi. At mukhang tanga rin naman ako na gustong sumama. Sabi nga... twenteen pa rin ako... mapusok. Madaling madarang. Patunay iyong nangyari.
"I'll pick you up tomorrow evening, Sheeva. Just... don't bring some clothes that will show case your skin...." napabuntong hininga siya, "Para naman akong teenager." Bulong iyon.
Pero narinig ko pa rin. Napasinghap na lamang ako sa hiya at mabilis na bumaba. Ang init ng mukha ko. Inaapoy sa nangyari. Gusto ko ngang maglupasay habang nakahiga sa kama. Si Mama excited sa mangyayari, siya pa itong nag-empake ng mga gamit ko.
Pakiramdam ko e binebenta niya ako roon sa tao. Si Papa nga ay hindi na nangialam. Ngumingiti naman siya pero ramdam ko iyong pag-aalangan niya sa mangyayari. Paano ba naman kasi... hindi naman yata normal na ang isang babae't lalaki ay magkasamang aalis. Nang silang dalawa lamang.
Sumasabog nga iyong utak ko sa kaba. Hindi ako mapakali. Lalo na noong nag-alas singko. Si Papa nama'y umalis kanina. May nilakad. Si Mama naman ay panay ang bilin sa akin. Hindi ko nga alam kung talagang concern lang din ito kaya siya nandito at inaalalayan ako sa mga mangyayari.
"Maa... paano niyo naman po nasabi na okay lang iyong ganoon?" Nakangusong tanong ko kay Mama.
"Anak, nangako si Hawk. Sabi niya may kanya-kanya naman kayong kwarto sa Baguio. Kaya panatag ako na magiging okay ka."
Huh! Ma, kung alam niyo lang po ang nangyari kahapon. Siguradong mahihimatay ka kasi itong boobs ko hinawakan ni Boss. Tangina! Ang tigas ng kamay.
Tumahimik na nga lamang ako at naghintay ng ilang oras pa hanggang sa may bumusina sa labas. Hindi iyong pick up ang dala niya. Ibang sasakyan na naman ngayon.
Ngumiti siya ng bumaba. Ngiting-ngiti at bumati kay Mama saka niya kinuha ang mga gamit ko. Tumitig din ako sa kanya. Nagdudududa nga kasi ako. Pakiramdam ko e simula ngayong gabi ay makikipaglaro na ako sa apoy. Kinakabahan ako... ngunit umiiral iyong kalandian na nasa inner soul ko.
Sana lang... sana lang walang mangyaring kakaiba kundi. Goodbye V. Ang landi naman kasi nito. Dapat siya ang may kontrol. Bata pa rin naman ako... hindi ko kayang makipaglaro pa sa apoy.
Iniimagine ko pa lang ay para na akong sasabog. Umiikot iyong sikmura ko.
"We'll do a lot of activities in Baguio while we are there... bawal magstay sa kwarto, Sheeva. Alam mo naman kung ano iyong nangyayari. Ako... kapag di nakapagkontrol. Tiyak de bola na iyang tiyan mo pag-uwi." Ngisi niya.
Naduduling yata ako sa narinig. Hinampas ko nga ang braso niya at tumitig sa labas. Mahaba-habang byahe. At mahaba-haba ring sermon para sa sarili. Kailangan kong mag-isip at kailangan ko ring pangaralan ang sarili. Di naman kasi ibig sabihin na ngayo'y okay na kami ay okay na ring mapanatag.
Pakiramdam ko e hindi lang naman siya ang nagkakasala rito. Pati na rin ako. Sumasabog iyong kaba na nasa dibdib ko, at kumakalat sa sikmura. Hindi rin ako mapakali. Alam ko kasi... sa oras na maiwan na naman kaming dalawa, talagang... may bugso. May mangyayaring kakaiba. At iyon ang iniiwasan ko.
"Sir Hawk... I have question." Baling ko sa kanya. Nakaramdam kaagad ako ng hiya.
"Okay, game." Ngisi niya.
"Libog o ako?"
Tumigil siya sandali at tumitig sa akin. Seryoso no'ng una hanggang sa lumawak ang ngiti niya.
"Sheeva, sa ngayon ikaw. Pero naisip mo na rin ba kung sakaling sasagutin mo na ako... hindi ka ba maglilibog?"
Napasinghap na lamang ako hanggang nahihiyang sumandal sa upuan ng sasakyan niya. Hay, buhay.