8

2005 Words
"Naalala ko," "Ang alin?" Amused na tanong niya habang nilalagay sa ibang lalagyan ang mga gamit ko. "Two years ago, bakit parang hindi mo'ko kilala no'ng nagkasama tayo sa iisang elevator?" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. Napaiwas ako roon at napatitig sa labas. May dumaan kasi, akala ko kakilala ko pero hindi naman. "Paano ba kita makikilala kung nagbihis babae ka na? Akala ko kung sino e." Napatitig naman ako pabalik sa kanya. Ewan ko nga kung dapat ba akong matawa o hindi. Seryoso ito sa sinasabi. Hindi ko lang alam kung totoo nga ba iyon o part lang din ito ng mga laro na nasa isipan niya. Hinayang na hinayang ako dahil na sa halip na si Sir Gracia itong nasa harap ko e ibang tao naman ang nandito. Dapat siguro maging proud ako kasi iyong mismong may ari ng kompanya ang nanliligaw sa akin pero ewan ko nga ba... hindi naman kasi iyong crush ko kaya nakakaramdam talaga ako ng panlulumo. Gwapo naman si Sir Hawk e... in fact he's the definition of tall, dark and handsome. Kaya lang, iyong puso ko iba naman ang hanap. At hindi iyon ang katulad niya. "That expression again, Sheeva." He grinned. Umiwas na lang ako at tumayo. Sumunod naman siya sa aking hanggang sa bodega na nasa likod ng bahay. Nang bumalik nga kami ay nasa bakuran na si Mama. Hinahanap kami. "Oh? Pasok na at kakain." Sumunod kami, hindi pa rin ako makapag-isip ng matino. Maya't maya ang titig ko kay Big Boss. Marahil nagtataka pa rin ang isipan ko sa nangyayari. Hindi ko gets... at talagang hindi ko maiintindihan. Nang sumunod na mga araw ay nakakaramdam na ako ng bored sa bahay. Hindi naman kasi ito tulad ng mga nakaraang bakasyon, lahat may ganap. Iyong mga kapatid ko ngayon may kanya-kanya namang lakad. Pwera na lang kay Kuya Arman na naghahanda sa kasal nina Ate Janna Jules. May ilan namang nag-aaya sa akin na mamasyal sa kung saan. But maybe, I'm mending my broken heart e naisip ko na magbehave na lang sa bahay. Pero paano nga ba ako magbebehave kung kada weekend e nandito si Sir Hawk? Nanliligaw! Hindi ko maisip na ganoon na talaga ang sitwasyon ko. May manliligaw. Which is way older than me. Pinagtsitsismisan na nga ako ng mga kapitbahay. Pero yong mga magulang ko wala namang paki. "Kailan mo ba sasagutin, anak?" Isang umaga ay tanong ni Mama. Nalaglag ang kinakain kong bacon. Malay ko ba at kailan ko nga ba maiisipang sagutin siya? Hindi pa naman pumpasok sa isipan ko iyon. Hindi ko naman kasi siya gusto. "Ma... pinapatigil ko na nga sa panliligaw. Ayaw ko ho. Saka isang buwan pa lang Ma... ang easy to get mo." Biro ko nang nakita na umasim ang mukha niya. "Naku Sheeva! Di ka naman namin minamadali, pero pag pinakawalan mo iyan... laking panghihinayang ang mararamdaman mo." "Ma naman... hindi ba kayo naiilang na ang tanda-tanda na noon pagkatapos gusto niyo maging boyfriend ko pa?" Simangot ko. Ngumiti naman ito at umiling. Siguro inuuto niya iyong mga magulang ko kaya ang laki ng boto sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pinakain niya sa mga ito. Siguro nagbait-baitan. Ewan. At ayaw ko nang magtanong. Dahil wala rin naman akong balak na sagutin siya. Sinabi ko na iyon sa kanya. "Ngayon pa ba ako titigil, Sheeva? Ang tagal ng hinintay ko para maligawan lang kita." Sabi niya pagkatapos kong prangka na sinabi sa kanyang ayaw ko. Napabuntong hininga na lamang ako at naupo ng maayos. Nasa kanto kami ng village namin, kumakain sa isang sugbahan. At syempre may ilang kakilala na alam ko naman na nakatitig sa amin. Marahil nandidiri dahil may kasama akong halata namang way older than me. Pero wala na akong pakialam doon. Mas concern ako sa iniisip niya. Itong panliligaw niya. Lahat-lahat. "Edi-date kita uli bukas. Wear something formal." Paalam niya bago hinalikan ang pisngi ko. Nanlalaki tuloy iyong mga mata ko nang nakita na nakatitig sa amin si Papa. Nakangisi. Nasapak ko tuloy iyong braso ni Papa nang umalis na nang tuluyan si Sir Hawk. "Next time nga sagutin mo na iyon." Tulak na naman ni Papa. Napailing na lang ako at nagmamadaling umakyat sa itaas. Naglinis lang ako ng katawan bago nahiga sa kama. Wala pang ilang segundo nang may nagpop up sa notif ng f*******: ko. Kita ko na galing iyon kay Sir Hawk, friend request. Na agad ko namang inaccept. At wala pa ring isang segundo ng tumatawag siya sa messenger ko. Aligaga ako noong una ngunit kalaunan at kumalma naman ako noong sinagot ang tawag niya. Nakangisi siya, medyo madilim. At alam ko tulad ko ay nakahiga na rin siya sa kama. Kinabahan ako bigla... ewan, ngunit nailang ako. "Hindi ba tayo nagkita kanina?" Pilosopong tanong ko. Humalakhak siya, kitang-kita ko ang mga mapuputing ngipin niya sa kadiliman ng kinahihigaan niya. Ewan ko nga ba at napatitig ako noon sa leeg niya. At saka napalunok. Napatitig din ako sa sarili, sa pag-aakalang nakalimutan ko kung may sout ba ako. Kasi naisip ko na rin na walang pan-itaas iyong nasa kabila. "Magdamit ka nga..." nag-iinit ang mukha na utos ko noon. Tumayo siya at nalaglag ang panga ko nang nakita siyang parang hindi naman nakadamit talaga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Parang naituko niya yata iyong kamay niyang may hawak na cellphone kaya di sinasadyang nahagip ng paningin ko iyong ibaba. Not sure kung may damit talaga ang loko. Hindi rin ako siguradong kung kahit papa'no may brief o boxer siya sa ibaba. Iyong tight muscles lang ng hita niya iyong natutukan ko ng mabuti. "Ay gago nga! Nakahubad ka ba?!" Gulat na gulat na sigaw ko. Humalakhak lang ito at nilapag siguro ang cellphone kasi bumaba iyon. Napapikit ako ng mariin. But later on, dahil nga kuryuso naman ako at walang sagot sa kanya ay napatitig din ako kalaunan. Napalunok ako noong nasa harap ko mismo ang sagot. Nakalimang lunok pa yata ako nang tinitigan ng mabuti iyong bukol sa tapat ng brief niya. At napakurap pa kung totoo ba talaga iyong nakikita ko. Walang duda. May bukol nga!! Nananadya yata e kasi sa lahat ba naman ng pwedeng pagpwestuhan ay doon pa sa harap ng camera. Hindi ako makahinga. Ay putek! Nag-iinit ang pisngi't leeg ko sa tanawin. "There!" Silip niya kalaunan. Napahinga ako ng malalim. Ngumisi naman siya at nakita ko ngang nakat-shirt ng puti ngayon. "Sheeva, iyong date natin bukas. Formal." Tumango ako, hindi pa rin humihinga ng maayos. Bumibilis iyong t***k ng puso ko. Nakakakiliti. At saka namamanhid ang pisngi ko sa mga alaala. Okay lang sana e kung bukol lang iyon na pwedeng sabihin na, lemonsito. But then, santol siguro oo. "Kinakabahan ka ba?" Tanong niya kalaunan. Napahawak na ako sa pisngi ko at umiling. Kung alam lang din nito kung ano ang iniisip ko. Baka himatayin siya sa bigla. O baka nga matuwa pa ang loko. Ngumiti lang siya at kinausap pa ako tungkol sa mga bagay. Minsan napapabuntong-hininga na lamang ako bago tuluyang nagpaalam sa kanya na matutulog na. Bukas ng gabi, kailangan kong magsout ng formal. Kakausapin ko si Ate Godiness tungkol dito. Bukas ang uwi noon. Alam ko na bibihisan niya ako. Doon lang naman siya natutuwa. At syempre, mas nauna na pala siyang nakapagpaalam sa mga magulang ko. Ngiting-ngiti nga ang mga yon at may prediction nang pinag-iisipan. Iniisip nilang baka iyon na yong sasagutin ko si Sir Hawk. Kaso wala pa talaga... wala pa ako sa phase na iyon. "Minsan nga, saktuhin mo naman na nandito ako para mas makilala ko iyang manliligaw mo." Ngising-ngisi si Ate Godiness habang nilalagyan ako ng eyeshadow. Ngumiti na lang ako ng matipid. Pagkatapos nga niyang ayusan ako e umalis na siya dahil sinundo na nang boyfriend. Kinabahan ako bigla. Hindi naman ako kinakabahan kanina. Pero parang dinadaga iyong puso ko. Maya'y maya lang e darating na iyon. Sina Papa at Mama ay mas excited kumpara sa akin. "Ang ganda-ganda naman ng bunso natin, Love. Tingnan mo at mukhang sasagutin na iyong manliligaw niya." Hindi ko alam kung nagpaparinig lang ba itong si Mama. Atat na atat na silang sagutin ko si Sir Hawk... kaso, hindi pa yata tama. Hindi pa ako tuluyang nakakamove on sa pagpapaasa sa akin ni Sir Gracia. At hindi ko pa talaga siya nakakausap simula noong tinanggap ko na lang na walang pag-asa sa aming pareho. Walang text, walang tawag. Siguro nalunod na iyon sa Iloilo. "Good evening..." bati niya. Unti-unting napaawang ang labi ko. Nakasuit naman siya noon sa trabaho. Infact, madalas ko siyang makita na nakaganoon. Pero ewan ko nga ba, mas gwapo siya ngayon. Iyong buhok niyang naka-gel nga siguro kasi nakaayos sa isang tabi. Pagkatapos ang liwa-liwanag ng mukha niya kahit ganoong moreno siya. Tuwang-tuwa na naman sina Mama at Papa. Tinutudyo nga ako... saan pa raw ako makakahanap ng ganoong kagwapong lalaki? Itinikom ko na lang ang bibig kahit rinig na rinig ko iyong tawa niya. Saka lang kami nakaalis nang nagpaalam siya sa mga magulang ko. May nakaantabay ng sasakyan sa labas. Doon kami sa likod. Siguro kasi may driver naman siyang dala. "Di ko akalain na ikaw iyong batang uhugin na nakilala ko noon." Sumama ang titig ko sa kanya. Naiilang pa rin ako sa isipin na gusto niya na ako noong Grade 5 pa lamang ako. Awkward. Kasi binata na siya noon. Samantalang ako e hindi pa naman talaga nagdadalaga. "Saan ba tayo?" Pag-iiba ko sa usapan. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba. Iniisip ko na baka sa company party iyong pupuntahan namin. Hindi ako sanay na ineexpose. At hindi ko rin naman magugustuhan na makikita ako ng lahat. Siguro may ilang manja-judge... paano ba naman kasi... halatang-halata ang agwat ng edad naming pareho. "Gusto kang makita ni Yana..." "Sino?" "Yana... nag-iisang kapatid ko. Mas matanda sa akin. Kakauwi niya lang kahapon." Mas tumindi ang kaba ko roon. Kapatid pa lang iyon, a. Paano pa kaya kapag mga magulang niya na iyon? Paano ako haharap? Nang hindi napapahiya? "Kinakabahan ka..." konklusyon niya nang pinagdaop niya ang mga palad namin. Napatitig ako sa kanya. Saka napahinga ng malalim. Talagang kakabahan ako. "My sister's cool, you don't have to worry or please her. She knows you already." Tumango ako kahit na hindi sigurado. Paano nga ba? Pagkatapos naalala ko iyong nakita ko kagabi. Sa halip na kabahab pa ay nag-iinit ang leeg ko sa alaala. Hindi man sadya ngunit nahulog sa kandunga niya ang mga mata ko. Unaware naman yata siya kasi may tinatanong siya sa driver. May tumawag pa nga pero heto ako at tulala pa rin sa slacks niya. Biglang umihip ng malamig, biglang nanigas ang kamay ko. At tuluyan ko nang pinigilan ang sarili sabay titig sa mukha niya. Lunok pa rin ako ng lunok. Ngunit kalaunan napalitan iyon ng kaba ng tumigil kami sa isang mamahaling five star hotel. Nangangatog ang mga tuhod ko. Lalo na noong bumaba siya at inalalayan ako. Gusto ko mang kumalma ngunit habang tumatagal, habang papalapit kami sa restaurant nitong hotel ay mas lalong lumalakaw ang t***k ng puso ko. Tinuro ni Sir Hark ang isang malayong mesa. Doon nakita ko iyong babaeng ngiting-ngiti at may kandong na bata. Morena, Pinay na pinay. Kapansin-pansin din ang pagiging mas bata niya kesa sa tunay na edad. Napalunok ako habang papalapit. Saka lang ito tumigil sa pagngiti at tumayo para batiin kaming pareho ni Sir Hawk. Bigla akong naawkward. Ngunit napalitan ng ginhawa ng nakitang hindi naman kami maiiwan doon. May mga bata. Siguro anak niya. May isang binata... siguro panganay niya. Sila lang ang nandoon. Wala iyong asawa. Unti-unti na ring bumabalik sa dati iyong kaba ko. Nagiging normal, saka ako napangiti ng totoo. "Tito... ganda-ganda po ng girlfriend niyo." Sabi ng batang nasa kandungan ng kapatid ni Sir Hawk. Bungal yata kasi nasilip ko na parang walang ngipin ito sa itaas. "Dapat mas maganda sa Mama mo..." biro nito. Humalakhak iyong kapatid ni Sir Hawk. Napahinga na lamang ako ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD