Nabubuang na yata ako kasi pagkatapos kong masaktan ay nandito ako sa loob ng cubicle at natatawang hinawakan iyong kwentas. Iyong laman ng velvet box. Akala ko kasi... napailing ako... akala ko singsing na.
Gumaan iyong pakiramdam ko. Pagkalabas nga ay nagkagulatan kami ni Sir Hawk. Nakangiti siya, iyong tipid na ngiti. Napairap naman ako bago naglakad palayo. Mas lalo siyang natawa. Minsan nagkakatagpo na naman kami. Ngumingiti lang siya, minsan pilyo minsan seryoso. Nakakalimutan ko na umiyak nga pala ako kagabi.
Napaupo ako noon sa harap ng bench, naghihintay kay Kuya Arman na pinuntahan muna si Ate Janna Jules. Siya ang sundo ko ngayon, pwede namang magcommute na lang ako kaso sabi niya may pupuntahan kami kaya kailangan kong maghintay. Katext ko rin si Vivi, iyong pinsan ko na kinukulit pa rin ako sa pagmomodel. Sabi ko naman, magiging abala ako ngayong taon kasi magsusummer class ako next year para naman hanggang 4 years na lang iyong College ko. Minamadali ko ang gumraduate. Atat na akong magtrabaho at tumayo sa mga sariling paa. Siguro dahil nakikita ko na sina Kuya at Ate na unti-unti nang lumalagay sa tahimik. Gusto ko namang ako na naman ang gumastos para sa amin nina Papa at Mama.
Naupo ako nang matuwid nang tumabi sa akin si Boss. Nakangiti na naman siya ng loko-loko. Ewan ko nga ba at kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Para kasing minsan, pinaglalaruan niya na lang ako. Kaya umaangal ako dahil ayaw ko ngang pinaglalaruan. Sino naman ang may gustong mapaglaruan?
"Hindi mo pa rin sout..." hinawi niya ang buhok ko na humahaba na naman, nasa bewang ko na iyon. Umiitim na naman. Hinayaan ko na lang na bumaba ang kulay dahil nga gusto ko naman iyong natural na lang muna. Nagagawa siguro ng pagiging brokenhearted.
"Okay lang, pupursigihin ko namang ligawan ka ngayong taon."
Nangasim ang mukha ko at tumitig ng malalim sa kanya. Sakop na sakop niya iyong bench na inuupuan ko. Palibhasa kasi habang tumatagal mas lalong lumalapad ang katawan niya. Siguro alaga ng gym. Hindi ko alam kung anong klasing lifestyle meron siya, pero sa tingin ko... healthy iyon. Pruweba ang tikas ng tindig at katawan niya.
"Pinaglalaruan mo ba ako?"
"Sheeva, do you think I have time playing games when I am this old?"
"Kung hindi naman... gusto mo ng fresh, iyong mas bata?!" Palatak na sabi ko.
Napahagalpak siya ng tawa. At nalukot iyong mukha ko nang umamin siya.
"Sino naman ang ayaw sa mas bata at fresh? Ako Sheeva... gustong-gusto ko iyong ganoon. Mas maingay, mas malutong kapag kinakain."
"Ay gago..." palatak ko na naman.
Mas lalong lumakas iyong tawa niya. Ang gago nga talaga. Seryoso ako sa pagtatanong pero mukhang wala naman siyang balak na magseryoso sa pagsagot. Kaya hindi ko rin alam kung seryoso rin siya sa panliligaw sa akin. Kung ako naman ang tatanungin, hindi pa talaga ako handa magpaligaw.
"It's part of the relationship, Sheeva. But I respect you, honestly. Tiniis ko ngang wag kang ligawan lalo na noong gumawa na nang diskarte iyang kolokoy kong kaibigan. Titiisin ko rin na wag kang iiputan hangga't wala ka pa sa edad na 25."
Ako na naman itong natawa. Totoo ba siya? Alam ko na nagmamadali na 'to e. He's already like what? 36?! God, magmamadali talaga siya. Hindi ko nga maimagine ang sariling nakikipagrelasyon sa mukhang kuya at tito ko na. Pagkatapos gusto niyang pumasok sa buhay ko?
"Hindi pa ako handa e... ang daming mas bata diyan, Ser... wag ako."
Tumawa siya, hindi ko alam kung saan siya natawa. Do'n ba sa iba iyong pagpronounce ko nang 'ser' o do'n sa pagtutulak ko sa kanya. Totoo naman talaga na hindi pa ako handa. Galing ako sa isang broken promises... me God.
"Hindi na, Sheeva. Sa ayaw at sa gusto mo naman liligawan pa rin kita. I will decide whatever I like for myself. At ikaw ang isa sa mga yon. Mabuti na nga iyong ikaw ang napili ko. Kasi aanakan at aanakan talaga kita."
"Bwisit!" Palatak ko na naman.
Tuwang-tuwa yata siyang naiinis ako sa mga sinasabi niya. Dapat nga mailang ako... kasi ang bastos-bastos niya pero para bang nabubuhayan ako kasi naiinis ako sa kanya.
"Kung uugod-uugod ka na, hahanap ako ng iba..." pang-iinis ko.
Tumawa lang ito at hindi nagkomento.
Napailing na lang ako at tumayo nang nakita sa harapan iyong sasakyan ni Kuya. Tumayo rin siya at naghintay tulad ko. Ngumiti si Kuya at bumati sa kanya. Nagkamayan pa ang dalawa bago kami tuluyang umalis. Nakangisi pa rin siya. Kaya ayaw kong maniwala dahil iba naman iyong pinapakita niya kesa sa mga gusto niyang mangyari. Naglalaro lang yata siya ng bahay-bahayan.
Ewan ko.
Sino namang maniniwala roon? Siguro pinagtitripan lang ako noon.
Niyakap ko si Ate Gette nang bumaba ako ng sasakyan. Sina Mama nama'y nandoon din sa bahay nina Ate. Kompleto yata kami ngayon. Malaki na rin ang tiyan ni Ate. Sa pasukan nga ay manganganak na siya. Siguro nga ay may ganap lang talaga kaya kami nandito. Hindi ko naman alam kung anong meron pero siguro isa ito sa mga family event na kompleto kaming mag-anak. Natutuwa naman ako dahil ang tagal na no'ng huli na kompleto pa kami. Siguro no'ng Christmas pa.
Napangiti ako sa napangasawa ni Ate. Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko iyong pagiging husband niya kay Ate. Alagang-alaga iyong kapatid ko.
Naalala ko bigla si Sir Hawk. I wonder kung ganoon din ba iyon? Kung maalaga rin ba sa mga naging babae niya noon?
Hindi ko alam.
Alas onse nang nakauwi kami sa bahay. Plakda kaagad ako sa kama. Sandaling nagbrowse lang ako noon sa mga soc media ko bago natulog ng tuluyan. Wala namang pasok na pero maaga pa rin akong nagising kinabukasan. Sumama rin ako kay Papa nang pumunta ito ng sentro. Magkanabay na nagmomotor kaming dalawa. Galit na naman si Mama dahil nga wala siyang tiwala kapag nagmomotor ako. Safe naman... hindi naman ako kaskasera. At isa pa, lagi kong sout iyong helmet ng motor ko.
Tawang-tawa na naman si Papa. Binilhan niya pa nga ako ng mga gamit noon para sa single ko. Tuwang-tuwa na naman ako. Kahit papa'no naman nawawala sa isipan ko ang mga paasang ginawa ni Sir Gracia. Alam ko... wala na talagang pag-asa sa aming dalawa. Kung meron man, pagkakaibigan na lang siguro. Naisip ko nga na imposible na yatang magkaroon pa ng kami dahil sa sobrang abala niya. Iyon bang kahit text na lang sana... pero wala e.
Ano pa bang aasahan mo sa isang taong single naman pero 'work is life'?
Napabuntong hininga na lamang ako at naupo sa monoblock. Nasa harap ako ng bahay... walang ganap. Hindi rin kami magbabakasyon ngayon. Mabuti pa iyong mga kapatid ko, may kanya-kanyang lakad. Samantalang ako e kailangang tumahimik dito.
"Meryenda muna, 'nak." Sabi ni Papa nang hinatiran niya ako ng saging.
Ngumiti ako at kumain. Natigilan lang noong nakita ko si Papa na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga titig niya sa akin. At ayaw ko sanang pabulaanan kung hindi lang siya nagsalita. Halos malaglag ako sa inuupuang monoblock.
"Pa?! Paano niyo naman po nalaman?!" Kulang na lang magkulay kamatis ako sa sobrang hiya.
Tawa naman ng tawa si Papa, at nagulantang ang buong pagkatao ko sa nalaman.
"Kanina, alas sinco pa lang e nandito na iyon. Kinausap kami ng Mama mo. Alam mo anak, gusto ko iyong ganoon na talagang dinadayo pa kami ng Mama mo para lang magpaalam na liligawan ka. Mukhang mabait naman iyong Boss ng Kuya mo. Nga lang..."
Napasinghap ako sa nerbyos. Paanong nangyari na nagawa niyang magpaalam samantalang kay Sir Gracia ay mahirap iyon?
"... kaya lang. Tirador ka ba ng mga matatanda?" Tawa siya ng tawa.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa naririnig. Bigla akong nabusog sa kinakain. Ang kapal nga naman... ang kapal-kapal talaga ng apog niya.
"Pa, challenge nga yata ako sa kanya. Pero Papa, sigurado ho ba kayong okay lang na may nanliligaw sa'king ganoon?"
"Anong ganoon?" Pilyong ngiti ni Papa.
Napairap naman ako kaya lang nalaglag na ako ng tuluyan noong nakita si Big Boss na nandoon sa bakuran namin. May dalang basket ng kung ano at may pa-flowers pa si Mayor.
Tawa naman ng tawa si Papa bago tumayo at naglakad doon para pagbuksan ang bisita.
Biglang sumama ang pakiramdam ko. Gusto ko na lang yatang matulog kasi totoong sumama talaga ang pakiramdam ko.
Nag-iinit pati ang leeg ko. Parang hindi lang kahapon ng nagkita kami. Ngayon nga'y nasa harapan ko na siya. Nakangisi at proud pa na close na sila ni Papa.
"Hijo de puta, kasal na ba agad?"
Naging plastik iyong tawa ko sa tanong ni Papa. Kumunot kasi ang noo niya. Si Papa nga ay may pagkapilyo. Tinampal naman siya ni Mama nang narinig iyong tawag niya.
"Pasok ka... sakto at may inihahanda ako sa kusina."
Napasunod kami sa loob. Ang sama ng pagkakatitig ko sa kanya na sinuklian niya naman ng ngisi.
"Sheeva, may bayag ako pero iyong manliligaw mo ba dati ay meron?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ngunit hindi na lang umimik. Ayaw kong magsalita. Ayaw kong magsabi na tama naman siya at wala noon si Sir Gracia. And I am very, very disappointed. Nagkagusto ako sa isang taong hindi naman pala ako kayang panindigan.
"Upo ka..." ngisi pa ni Papa.
Sumunod naman ito ngunit bago iyon, inabot niya kay Mama ang hawak na basket saka nakangising inabot din sa akin ang hawak ng mga bulaklak. Nag-iinit na naman ang pisngi ko. Lalo na mukhang mamahaling iyong mga bulaklak. May tulips, namumukadkad din sa sobrang linaw ng mga kulay na nandoon. Pakiramdam ko nga e ang bango-bango pero syempre hindi ko na inamoy.
"Salamat, nag-abala ka pa." Engrossed na engrossed si Mama nang nakita iyong laman ng basket. Kuryuso ako kung ano ang laman noon pero mas pinili ko na lang na tumayo sa gilid ng mesa kung saan malapit lang din siyang nakaupo roon.
Nagkukwentuhan na sila nang nagsimula nang magluto ulit si Mama. Si Papa lang itong ang daming tanong. Lalo na at halata namang gusto niyang malaman kung bakit sa dami ng mga babae sa opisina e ako pa ang napili niyang ligawan. Gulantang sina Mama't Papa nang narinig na matagal na pala akong gusto nito. Napapangiwi na lang ako sa tuwing naririnig na Grade 5 pa lang ako noong nang una siyang nagkacrush.
"Malaking bulas itong bunso namin kaya napagkakamalang highschool kahit elementary pa lang. Nauto ka ba noon?"
Tawa naman siya ng tawa at tumango. Umiling ako at nagpaalam sandali na aakyat lang sa itaas. Napataas ang kilay niya nang tumitig sa akin. Napairap naman ako at mabilis na lumisan.
Napangiti na lang ako noong inamoy ko na nang tuluyan iyong bulaklak. Naghilamos nga lang ako bago bumaba at muling tumungo sa harapan ng bahay. Aayusin ko lang iyong kalat ko at babalik din naman ako sa kusina.
Kaso ni hindi pa ako nakakalahati nang nakita ko siyang tumutulong sa pagliligpit ko. Nagulat naman ako roon.
"How's your day, Sheeva?"
"Ay ang plastik!"
Tawang-tawa siya sa sinabi ko. Nanlalaki na lang iyong mga mata ko nang hinaplos niya ang braso ko. Biglang uminit na naman ang pisngi't leeg ko. Para bang tinutosta ako ng buhay.
"Natutuwa talaga ako kapag nagmamaldita ka ng ganyan. Ang sarap mong paamuhin." He grinned.
Hindi ko alam pero parang double meaning iyong sinabi niya. Napairap na nga lang ako sa kawalan bago napasinghap. Pinaglalaruan niya naman yata ako. Pero pwede ba iyon kung nandito siya at personal na pinagpaalam ako sa mga magulang para ligawan?
Hindi ko maimagine kung ano ang magiging reaksyon nina Kuya. Paano kaya kung itong Big Boss nila e nanliligaw 'daw' ng seryoso sa akin? Hindi ko alam kung matutuwa ba ang mga yon. Mukhang close naman sila rito. Ang problema lang talaga e yong pagdating na sa akin.
Seryoso ba talaga siya?
"Seryoso nga ako, Sheeva. Tiniis ko nga ng ilang taon... ngayon ka pa ba may duda?"
Ay God!