6

2144 Words
"Paanong naging crush mo'ko no'ng Grade 5 pa lang ako?" Kunot na kunot iyong noo ko habang nakasandal sa pader ng elevator. Naghihintay pa rin kami ng rescue. Ewan ko nga kung talagang malakas iyong lindol kaya ganito ang naging pinsala. Mas nagulat ako sa nalaman ko tungkol sa kanya kesa sa ideyang nilindol nga kami. "Sinasama ka ng Kuya Arman mo sa activity ng company, naalala mo? Si Gracia pa ang CEO noon, noong hindi pa nalulugi itong kompanya." Napanganga ako, oo nga naman! Naalala ko iyong laging pagsama ko sa mga lakad ni Kuya, lalo na pag tungkol sa kompanya! Kaya doon din nagsimula ang pagka-idolo ko sa sariling Kuya. Kaya nga gustong-gusto kong tumulad sa kanya. "O-oo, pero paano nga?!" Naniningkit iyong mga mata ko. Nagdududa ako sa kanya. Siguro kasi alam ko iyong tumatakbo sa isipan ng mga may edad na katulad niya. Hindi simpleng pagka-crush iyon... alam ko na may kasamang pagnanasa. 11?! Eleven lang ako noon pero may ganito nang nagkakagusto sa akin?! Ay, tangina na lang! "Pedo ka..." naniningkit pa rin iyong mga mata ko. "Hindi rin." He grinned. "Nagkakagusto ka sa isang eleven years old na wala pang muwang! Pagkatapos sasabihin mong hindi ka pedo?!" "Hindi nga..." napailing siya, "Umiwas naman ako, hindi naman ako nagpapakita sa'yo. Nito lang. Sa tingin ko you're already a grown up lady. Kaso kulang pa, you need to be there. Like a fine lady at her peak. Iyong 20 okay na ako, kaya kita tinatanong kung kailan pa. Excited na ako na umabot tayo sa gano'n" Napangiwi ako sa naririnig. Ang sama na talaga ng titig ko sa kanya. Nakaupo na rin siya sa sahig. Gano'n din ako. Iyong isang pulgada na lang talaga ang layo namin. Iyong konti na lang manginginig na ang kalamnan ko sa kilabot. Puta! Nakakadiri ang gurang na 'to! Alam ko naman na gwapo siya. Pero sapat na ba talaga iyon para magustuhan ko siya. "Ay, Tito... kung pwede, wag ka nang umasa kasi may iba na akong gusto." Mapang-asar na sabi ko. Unti-unting napaawang ang labi niya na napalitan ng pagtikom at unti-unting pagngisi. "Gusto ko iyan, hija. Tinatawag mo'kong Tito habang kinakana kita." Nasampal ko iyong bibig niya, reflex ko iyon! Na sa halip na ikainis niya ay mas lalo siyang natawa. "Ang bastos-bastos mo! Tangina! Ang bastos ng gago!" Napatayo ako noon at lumipat sa kabila. Rinig na rinig ko pa rin ang aliw niyang tawa. Niloloko ako ng gago! Ay, tangina lang talaga! Sa tingin ko, hindi ako magtatagal sa isang space na siya lang ang kasama. Talagang magbabastusan kami nito. Kung kaya niyang maging bulgar. Kaya ko naman mawalan ng respeto. Iyong masasaktan ko talaga siya ng pisikal. "Lumapit ka nga... niloloko lang naman kita." Ngisi niya. Napailing ako at tumingala. Ang tagal talaga... gusto ko nang lumabas dito. Ayaw ko nang makipag-usap sa pedo na 'to. Kung sana si Sir Gracia iyong nandito, di sana'y masisiyahan pa ako. "Si Gracia ba iyong crush mo?" Maya'y seryosong tanong niya nang tumagal ako sa pagkakatahimik. "Loko." Irap ko. Naging seryoso naman iyong mukha niya at hindi na kuling tumawa. Sa tingin ko nainsulto ko siya roon. Hindi ko namang sinabing Oo pero siguro dahil sa mga ganitong tanong ay alam naman niyang Oo talaga ang sagot. Ayaw ko lang umamin. "Okay, naiintindihan ko. Maghihintay pa rin ako Sheeva. I have 1 year and a few months, that maybe I can change your types." Iling niya bago tumayo at tumingin sa sout na relo. "Nandiyan na iyong rescue team." Sakto namang umingay iyong sliding door ng elevator. May nagpupumilit na magbukas noon. Napatayo na rin ako at tumitig sa kanya. Saka napailing. Maniniwala ba ako roon? I guess no... sa mga tipo niyang lalaki, sigurado akong maghahanap pa rin ito ng ibang babaeng pwedeng dalhin sa kama. Alam ko kasi kita naman na may pagkaplay boy siya. At kita ko rin kung paano siya makipaglaro. Ako nga, na 18 pa lang ay pinapaikot niya na, sino namang hindi mauuto? Kaya iiwas ako, kahit na anong mangyari. At sa kakaiwas ko ay may magandang nangyari. Hindi ko alam pero ganoon na lang tuwa ko nang nakatanggap ng bulaklak isang umaga pagkatapos nang 1st year ko bilang accountacy student. Last duty ko na rin ito at bakasyon na naman. Tapos na rin iyong ika-19th birthday ko kaya ganoon na lang din kapanatag ang loob kong aalis kaming buong mag-anak para magbakasyon sa Ilocos. Mag-a-island hopping yata kami e. Alam ko kasi may pa-family treat sina Ate Gette kasi nga ikakasal na siya sa September. Regalo niya raw sa amin bago siya lumagay sa tahimik. "Ay naks, Mama o! Itong bunso natin habang tumatagal mas lalong gumaganda st sumesexy. Kita niyo nga po at ilang beses ng nagdadala ng flowers sa bahay!" Pilyong sumbong ni Ate Godiness. Tawa naman ng tawa iyong mga kapatid namin, si Mama at Papa ay ganoon din. "Ate..." saway ko, umiling lang ito kaya mas lalo akong nakatanggap ng tukso. Inayos ko muna iyong bikini na ipinilit talagang ipasuot sa akin ni Ate Godiness. "Pose ka diyan, bunso. Tapos konting sexy pose naman." Napailing na lang ako sa kakulitan ni Ate pero ginawa ko naman. Hiningi ko iyong mga pictures nang nakauwi na kami sa hotel, saka ko inupload iyong sa tingin ko ay medyo disente pa, wala pang tatlong segundo nang may nag-heart noon sa i********: ko. Walang iba kundi si Hawk.Fernan. Bwisit na 'to! Dumistansya nga noong umiiwas na ako. '10' komento niya na ikinakunot naman talaga ng noo ko. Baka naligaw lang na comment. Ewan ko. Tyinaga ko ang mga gusto ni Ate Godiness. Lahat ng gusto niya ay naipasout niya sa akin kaya ang daming pictures na inupload ko sa i********:. Instagrammable naman kasi kung makakuha ng pictures si Ate, parang ginawa niya na rin akong model sa lahat ng photoshoot niya. At lahat ng inupload ko ay may komento niyang '10'. Kaya mas lalo akong nainis. Kung pwede nga lang e-block... kaso malapit na ang pasukan kaya kailangan ko ring magbehave kung ayaw ko namang mawalan ng scholarship. "Shee..." tawag ni Ate nang nag-eempake na ako para umuwi sa amin. Hindi ko alam kung bakit pumasok si Ate Gette sa kwarto namin ni Ate Godiness. Siguro dahil magpapaalam na siya sa amin para sa binubuo niyang pangarap, iyong pangarap na kasama ang magiging asawa niya. Emotional siguro kapag ikinakasal. Lalo na at nagmamadali yata si Ate Gette kahit na kaka- 27 niya lang last year. Si Ate Godiness nga 29 na pero nando'n pa rin sa stage na gusto niya munang mag-enjoy. Si Kuya Arman nga e nagbabalak na ring magpakasal next year, sabi niya magpapakasal siya next year kung wala pa ring balak na lumagay sa tahimik ni Ate Godiness. "Alagaan mo si Mama ha..." Iyon lang naman ang sinabi niya bago nakipagkwentuhan sa akin. Tinulungan niya rin ako sa pag-iimpake. Ako na lang daw kasi ang hindi pa nakakapag-ayos. Sa Lunes nga ay sasamahan na naman ako ni Kuya Lui mag-enroll. Sabi niya iyon na lang din daw ang bonding namin. Kasi alam ko na lagi siyang abala sa trabaho. Kaya minsan na lang din siya makakauwi sa amin, iyong minsan na yon ay tuwing holidays lamang. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang attachment ng mga kapatid ko sa akin. Ako talaga iyong bunso. Nang pumasok ako sa unang Linggo bilang future OJT ng kompanya nina Kuya ay nakatanggap na naman ako ng bulaklak. Galing sa isang unknown sender. Hindi ko nga alam kung bakit pumapasok sa isipan ko si Sir Gracia, e imposible rin naman dahil hindi naman niya ako masyadong kinakausap. Pwera na lang kapag binabati ko siya o kaya'y may sadya siya sa akin tungkol sa trabaho. Minsan nga nakakapanghinayang na nalaman ko sa ibang empleyado na ang tunay naman daw talagang Big Boss noon ay si Sir Gracia... nagkataon lang na palugi iyong negosyo ten years ago kaya ibinenta sa pamilya nina Sir Hawk. Siya nama'y galing New York, happy go lucky, nagtino lang noong binigyan ng responsibilidad. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta sa pagkakaalam ko at sa sabi-sabi na rin, may alitan daw sa pamilya nina Sir kaya nagpupursige itong makabawi. Ewan ko, may kalokohan sigurong ginawa. Nagmemeryenda ako noong pumasok sa Sir Gracia. Nabilaukan naman ako kaya kunwaring tumikhim na lang ako at uminom ng tubig. Tumabi siya sa akin pagkatapos kong bumati. Iyon nga rin at kumuha siya ng sariling meryenda at nakisabay sa akin. Ilang na ilang ako, halos nanginginig iyong kamay ko habang umiinom ng kape. Talagang, may swerte ngang kapalit iyong pag-iwas ko sa gago na yon. Kasi parang unti-unti ko na ring napapansin ang paglapit ni Sir Gracia, little by little, step by step. Ang saya-saya na naman ng puso ko. Para bang dinuduyan habang sumusulyap sa kanya. Kahit saang anggulo, ang gwapo nito. "Natanggap mo ba?" Ilang na ngiti niya. Nabilaukan na ako ng tuluyan. Nawala naman ang pagkakailang niya. Noon ko napansin ang hindi niya pagpipigil habang tinatawanan ako. Tinanggap ko naman iyong tissue na inabot niya sa akin. "A-ang alin po?" Kunot noo din naman ako. At hindi ko rin naman gets kung ano iyong tinanong niya. "Iyong mga pabulaklak ko sa'yo." Walang abog na sabi niya. Halos lumuwa iyong mga mata ko sa gulat. Sa kanya galing iyon?! SA KANYA TALAGA?! Nagpupugay iyong puso ko sa saya... "O—-opo," napayuko ako noon. Nagpipigil naman ako ng ngiti. Hindi ko alam pero parang nabigyan ako ng pag-asa kahit papa'no. Kahit kakaonti. Kahit kakarampot. May something e. Hindi naman sa pagiging asyumera pero alam niyo yon? Hindi ka naman bibigyan ng bulaklak kung pagkakaibigan lang ang hinihingi niya. Hindi naman siguro siya baliw para gumastos para lang maging magkaibigan kami. "I hope you like it." Ngiti niya naman. Napangiti na lang din ako at nakipagkuwentuhan sa kanya ng nag-umpisa na siyang magsalita at magtanong tungkol sa mga bagay na gusto ko. Tuwang-tuwa na naman ako. Kaya mas lalo kong minamadali ang mga araw na sana makita ko siya ulit. Lalo na dahil tuwing weekends, nakakatanggap na ako ng mga bulaklak. Iyong bulaklak na lantaran niya ng binibigay sa akin. May ibang nakiusisa pero wala na akong pakialam doon. Ang akin lang naman, gusto kong sumaya. Alam na rin ni Kuya Arman iyon o ni Kuya Jay. Kaya di na nakakapagtaka kung nalaman na rin ng mga pinsan ko iyon. Si Mama lang talaga ang ayaw sa ideya na nililigawan ako sa office nina Kuya. Gusto niyang dalhin ko si Sir Gracia dito sa bahay. Ipakilala ng pormal. Kahit na kilala niya naman ito sa dalas na dinadala nina Kuya ito bilang bisita sa mga family events namin. Ayaw ko naman siyang pangunahan. Kaya gusto ko, kapag sinabi niya nang nililigawan niya na ako. Doon ko siya dadalhin sa bahay. Kaya lang lumipas na ang siyam na buwan ay ganoon pa rin ang set up namin. Bulaklak lang tuwing weekend. Minsan lang din kami mag-usap. Kaya laking dismaya ko nang inanyayahan ko siya para sa kaarawan ko ay umayaw siya. Iyon din kasi ang time na kailangan niyang lumipad pa-Iloilo para asikasuhin iyong tatlong branch doon. Namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak kinagabihan. May pasok pa naman ako kinabukasan. At lalo akong nainis kasi parang nayamot na rin si Papa at pinapatigil ako sa pagtanggap ng bulaklak doon sa lalaking unang naging crush ko. Ayaw nila e... at kapag ayaw ng pamilya ko, kailangan ko na talagang tumigil. Ang hapdi at namamaga ang mga mata ko habang nag-aayos ng mga papeles na nasa ibabaw ng isang table na nadaanan ko lamang. Lutang na naman ako, kakatapos lang ng sem kahapon kaya last duty ko na rin ito. Malay ko ba kung magkikita pa kami ulit ni Sir Gracia. Mukhang nagiging abala na naman siya. "Ikaw, kahit ang pangit-pangit mo noon ginusto pa rin kita. Si Gracia ba ay ganoon din? Pinansin ka lang naman noon nang tumangkad ka pa at naging palaayos. Kaya bakit? Bakit mo siya iniyakan." Nalukot ang mukha ko habang nakatitig kay Sir Hawk na nasa loob ng dalawang bulsa ng pants iyong mga kamay niya. Hindi ko alam kung bakit inis na inis din ako sa kanya. Gusto ko siyang suntukin dahil heartbroken ako ngayon. "Wag ka nang malungkot... sasaya ka na, Sheeva. Tapos na ang sampung buwan. Tapos na iyong countdown ko." Napangiwi ako noong narealize kung ano ang sinasabi niya. 20 na kasi ako, kahapon 20 na ako. Kinaya niya? "Ay gago nga! Brokenhearted nga ako ngayon! Wag mo'kong iniinis." Tumawa lamang siya at may inabot sa'king naka-velvet box. Agad na namilog ang mga mata ko. Seryoso?! Agad-agad?! "Happy 20 years, Sheeva. Mula noong uhugin ka pa hanggang ngayon na parang sasampa ka na sa rampahan, gusto pa rin kita." Instead na masiyahan ako e nainis na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD