Sa dinami dami ng tao sa mundo, ako pa talaga ang tinamaan ng kamalasan. Hindi ko na alam kung ano pa iyong mukhang maihaharap ko sa Big Boss. Napaka-wholesome yata ng pinag-usapan namin, sarcastically.
Pagkatapos nang nangyari sa harap ng pond, e tumakbo na ako paalis. Pahiyang-pahiya na naman ako dahil doon. Lagi at tuwina. Siguro suki na ako ng tadhana sa kapalpakan. Para namang sinasadya ko iyon. E, naloko na, ayaw ko na nga yata na dumating iyong weekend kasi napapagod lang ako sa kakatago. Kaso imposible lalo na sitwasyon ko. Hindi talaga maiiwasan iyon, kung seryosong gusto ko itong scholarship na natanggap ko.
Kaya... kung pwede... nagbubulag-bulagan ako sa mga pagtatagpo namin. Ginagawan ko na lang ng paraan. Nakakahiya pag nagkausap na naman kami ulit. Baka umabot sa punto na pag-uusapan na naman namin iyong problema niya sa ibaba.
Kasalanan niya naman kaya ako nag-iisip ng ganito.
Malay ko ba...
Tumitig ako sa notes na binigay sa akin ni Bernadette kanina nang pumasok ako sa second period ng klasi. Nakita ko nga na abala ang lahat, ako lang itong walang ideya. Kung hindi lang dahil kay Bernadette, nuncang magkakaroon din ako ng ideya sa mangyayari.
Napansin yata ng ibang ka-blockmates iyong pagkakatulala ko minsan. Nabubuang na naman yata ako at ayaw ko na noon. Alam ko sa oras na maging blanko kada minuto iyong isipan ko ay siguradong mawawalan na talaga ako ng scholarship.
Kasalanan niya talaga, e.
Napasandal na lamang ako sa upuan pagkatapos na sinikap na sagutan lahat ng tanong sa isang maikling quiz. Tumayo lang ako noong tumawag si Kuya Arman at sinusundo ako para sa isang set dinner. Hindi ko alam kung anong meron. O baka naman dahil nagpopropose na siya sa girlfriend niya kaya ganoon na lang ang pag-aaya niya sa akin?
Or maybe... it wasn't.
Nalukot ang mukha ko nang nakaharap iyong Big Boss nang kompanya nina Kuya. Sumisimsim ito ng wine, habang lahat kami ay naghihintay ng orders.
Sa lahat ng pwedeng ma-out of place e ako pa iyong tinamaan. Nakauniporme pa ako ngayon, silang dalawa ay nakapormal na suit. Ewan ko nga ba at anong meron, sinama pa ako ng dalawa sa dinner nila.
O baka nga naman, may pag-uusapan na kailangang nandoon ako.
Tumitig ako sa kanya nang tumayo si Kuya Arman at nagpaalam para sa Rest Room. Tumigil siya sa pag-inom at tinitigan din ako. Napasinghap nga lamang ako sa gulat, lalo na roon sa mga mata niyang laging nanunusok.
"Nagagalit ka na naman?" Mahinang tanong niya.
Inaakusahan niya ba ako?! Tumitig naman ako sa restroom, sa pag-aakalang lalabas na kaagad mula roon si Kuya Arman.
"Excuse me po ha... bakit naman po ako magagalit?"
Ngumisi siya at nagtawag ng waiter. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at wala rin naman akong pakialam sa mga pinaplano niya. Kung ano man iyan, wala rin naman akong plano na mangialam. Malaki na siya... mas may isip kumpara sa akin.
"Maganda ka sana e, kaso lang... You're too young for my taste."
Nagkanda-ubo-ubo ako sa iniinom ng tubig. Hindi maawat-awat iyong ubo ko na pakiramdam ko e mawawalan ako ng lungs nang mas maaga. Ang sama ng pagkakatitig ko sa kanya, para bang gusto ko siyang tirisin ng buhay. Nainis ako bigla, mas lalong naiinis sa kanya. Pedophile?! Ay tangina na lang! Ang dami niyan dito sa pinas at mukhang mapapabilang siya roon.
"Okay ka lang?" Tatawang-tawa na tanong niya at hinaplos ang likod ko. Napaiwas ako roon ngunit mas lalo lamang siyang natawa. Hindi ko alam kung seryoso ba siya roon sa sinabi niya kanina o sadyang pinaglalaruan na naman niya ako.
"I'm sorry Sir, pero alam ko na Boss ka nina Kuya Arman at Kuya Jay. But this? Hindi po ako natutuwa." Irap ko.
Mas lalo tuloy natuwa ang loko, napahawak pa nga sa tiyan niya. Tuwang-tuwa yata siyang nahihirapan ako sa sitwasyon, gusto ko nga sanang bulyawan siya kaso sobra-sobra naman yata iyon kapag ginawa ko pa. Boss siya, Big Boss... kaya hindi rin tama na gawin ko iyon.
"Okay, I'll stop. I don't want to upset you." Pigil ngiti niya.
Hindi na ako nakaangal pa dahil dumating din naman si Kuya Arman, sakto rin na sinerve iyong mga pagkain. Nakatulala nga ako sa dalawa na ngayo'y nag-uusap tungkol sa trabaho. Lalo na roon sa bagong branch na itatayo raw sa Clark. Hindi ko naman maintindihan, siguro hindi ko rin maiintindihan kasi hindi pa ako seryosong nasa kompanya. Namamangha nga lang ako na nakikinig sa kanila. Napansin niya yata iyon kasi sumulyap siya sa akin at mayabang na ngumisi. Napairap naman ako at tinuunan ang pagkain.
Alas nuebe yata nang nakaramdam na ako ng antok. Nakikinig lang naman ako sa dalawa, na seryosong nag-uusap pa rin. Hindi ko alam kung anong meron at bakit sinama pa ako rito gayong wala naman pala sa papel iyong presensya ko. Mas lalo nga lang akong inaantok, iniinom ko iyong wine na dapat sa kanilang dalawa. Sadyang... nabobore ako habang nakikinig.
Napatitig lang siya sa akin pagkatapos ng ilang tungga, at saka niya kinuha iyong wine na nasa kamay ko. Hindi yata napansin ni Kuya Arman iyon, abala pa rin kasi ito saka narinig ko na tumunog iyong cellphone niya kaya siya nag-excuse. Baka naman si Ate Janna Jules iyon.
"It has less alcohol, but if you have low tolerance for liquor... I think you'll get yourself drunk." Sabi niya.
Kumunot lang ang noo ko at inagaw sa kanya iyong hawak niyang baso ko.
"Hindi, 'no! Umiinom nga ako ng tanduay, pero hindi naman ako nalalasing. Nabobore lang ako sa ginagawa niyo kaya ito ang pinagdidiskitahan ko."
Umiling siya ngunit ngumingisi. Napanguso ako noong napansin na mas gwapo talaga siya kumpara kay Sir Gracia. Iyong feature ng mukha niya, rough, saka lalaking-lalaki. Moreno rin. Matangkad, sobrang tangkad na pwedeng basketball player noong kabataan niya. Ideal man, tall, dark and handsome. Ganoon na ganoon. Alam ko rin na may ibang pasimpleng sumisilip sa kanya sa paligid. Kaya bakit parang abnormal siya sa paningin ko.
"Silly, anong abnormal?"
Napakurap ako bago naupo ng maayos. May power pa! Totoo ba iyon?
"Sabi mo abnormal ako. Hindi ako abnormal Miss Sheeva Dominquez." Tawa siya ng tawa.
"N-nakakabasa ka ng isipan?" Nanlalaki iyong mga mata ko sa gulat.
"Naughty, I am not. Pwera sa mga nakakadeal ko. You said it absentmindedly. Was it enough?"
Nakagat ko na lang iyong pang-ibabang labi ko. Hindi naman ako lasing pero para bang lutang na lutang ako sa mga pinaggagawa ko ngayon. Next time nga, tatanungin ko na si Kuya Arman tungkol sa mga pa-dinner na ganito. Wala rin naman pala akong role rito.
"Kailan ka kaya magte-twenty?" Tanong niya, nakangiti.
Kumunot naman ang noo ko. Bakit naman? Two years pa, Ah, I mean 1 year and a few months pa. Ano naman kung magtwenty na nga? Bakit niya tinatanong?
"Matagal pa, bakit naman ho Sir?"
Umiling siya, ngunit nakangiti pa rin. Mas lalo tuloy akong nayamot sa pinaggagawa niya. Minsan nga wala pa naman siyang ginagawa pero naiinis na kaagad ako. Hindi ko alam kung talagang naturalesang nang-iinis lang siya o kaya dahil nangingilabot ako dahil matanda na siya, o kaya'y naiinis lang ako kasi sa halip na si Sir Gracia iyong nakikilala ko e siya itong nasa harap ko ngayon.
Natapos naman ang dinner pagkatapos na bumalik ni Kuya Arman. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol dito kaso nagmamadali yata at dinrop by lang ako sa bahay bago siya umalis. Siguro pupuntahan niya ngayon si Ate Janna Jules. May problema yata...
Naglinis na lang muna ako ng katawan, bago umakyat at nahiga sa kama. Nagbrowse rin ako sa social media ko at nakitang may follower request ako sa i********:. At gano'n na lang ang gulat ko nang nakita na si Big Boss iyon. Nakaka-uto naman iyong profile niya... akala mo e tatahi-tahimik lang. Ang totoo niyan, napakadaldal niya in reality. Minsan sa sobrang kadaldalan niya, ay nagiging puzzle na lang sa akin iyong mga pinagsasabi niya.
Gusto ko sana siyang e-stalk ngunit tulad ko ay nakaprivate rin ang kanyang i********: account. Ayaw ko naman siyang e-follow kaya nag-out na muna ako pagkatapos na e-accept iyong request niya. Nakatulog naman kaagad ako kaya lang kinabukasan para bang binangungot ako nang nakita ang mukha niyang nakangisi sa panaginip ko. Kahit sa panaginip e iniinis niya ako. Nakakainis!
Maaga pa lang nasa sakayan na na ako ng jeep, papunta sa school. Nakita ko na may kausap si Bernadette nang datnan ko sa hallway. Napahiwalay lang siya doon nang nakita akong naglalakad patungo sa unang period ng klasi. Ngumiti naman iyong babaeng kausap niya direkto sa akin. Na ikinakunot naman ng noo ko. Hindi ko siya kilala, pero naalala ko na naging kaklasi ko siya sa isang subject. Hindi ko lang maalala kung psychology ba iyon o sa trigo. Ngumiti na lang din ako bago lumapit kay Bernadette.
"Salamat ha..." ngiti ko pa at inabot sa kanya iyong notebook ko.
"Girlfriend mo, Shee?"
Pakiramdam ko e sumabog iyong ulo ko sa narinig, napatitig ako sa kausap ni Bernadette kanina. Hindi ko maalala kung saang klasi ko ba siya naging kaklasi. Pero pamilyar na pamilyar sa akin iyong mukha niya.
"Rose, schoolmate mo ako no'ng highschool. Ahead lang ako ng 1 year sa'yo kaya kilala kita. Girlfriend mo ba si Bern?"
Nalukot ang mukha ko. Hanggang ngayon pala tingin ng lahat sa akin e tomboy. Kahit na nag-aayos na naman ako. Tinapon ko na iyong mga panlalaking damit ko noon. Nagprefer na ako sa jeans at blouse o kaya'y dresses. Pero gano'n pa rin...
"Hindi, kaklasi ko lang." naiinis na wika ko at umalis. Sa pagtalikod nga lang ay nadatnan ko si Sir Gracia at Kuya Arman. Para namang binilad sa init iyong katawan ko nang gumapang ang pag-iinit noon sa buong pagkatao ko.
Makita mo ba naman iyong crush mo at siguradong narinig din iyong pinag-uusapan? Di kaya ka totostahin ng hiya?
"K-kuya..." ngumiti siya, ngumiti rin si Sir Gracia. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila rito pero wala na iyon, mas concern ako sa narinig niya.
"Kumusta, Sheeva?" Tanong niya, sa pormal na tono. Kaya nga napagkamalan ko siyang Big Boss kasi mas may formality sa kanya kumpara sa tunay na CEO.
"O-okay lang po." Hiyang-hiya pa rin ako.
"Aayusin namin iyong scholarship niyo para sa next year. Have a nice day, Sheeva."
Napabuntong hininga ako noong umalis na sila. Pumihit na lang ako pabalik kasi ilang minuto na man lang at mag-uumpisa na iyong klasi. Napahiya na naman ako... baka kung ano ang isipin niya.
Sabado nang maaga akong nagising, nag-ayos na rin ako at sinuot iyong isa sa mga binili ni Ate Godiness noon sa Singapore. Tuwang-tuwa na naman siya na nakikita kaong nagdedress na. Saka sout ko rin iyong 1 inch na sandal na niregalo ni Mama noong Christmas.
"Ayan... ganyang nga Sheeva. Ang ganda-ganda ng bunso namin."
Napailing na lang ako sa kabaliwan ni Ate Godiness. Palibhasa kasi at wala pa naman siyang napapabalingang iba kaya ako itong dinedress up niyang parang manika.
Nasasanay na rin naman ako habang tumatagal. Nagugustuhan ko na iyong nagdadamit babae ako. Saka pansin ko kasi na dumadami iyong mga kaibigan ko. Lalo na sa eskwela.
Panay ang suklay ko sa sariling buhok gamit ang mga daliri, naglalakad na ako noon sa Lobby. Para na namang lutang. Kaya hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si Sir Hawk. Naging aware lang ako noong narinig na natatawa siya habang nasa likod ko. Kita ko iyong repleksyon niya sa loob ng elevator. At nakaramdam na naman ako ng inis.
"Sir, pinaglalaruan niyo ho ba ako?" Akusang sinabi ko mismo sa harap ng mukha niya.
Mas lalo siyang napangisi. Ang gago lang... para siyang baliw.
"Bakit naman kita paglalaruan kung no'ng Grade 5 ka pa lang e gusto na kita?"
Kulang iyong lindol na naramdaman namin sa loob ng elevator sa sobrang shock na nararamdaman ko... ay tangina nga naman!!! Pedophile nga! Pero mas ninerbyos ako nang nawalan ng kuryente at napakapit ako sa braso niya dahil sa aftershock ng lindol.