Loko na! Pang-ilang pahiya ko na ba ito? Hindi ko alam kung blessing in disguise ba iyong nangyari kasi dahil doon napansin ko na pinapansin na ako ni Sir Gracia. Madalas na nakangiti na siya sa akin sa tuwing nagkakatagpo kami, na hindi naman niya ginagawa. Mabait. Kinikilig dapat ako e pero mas nanaig sa akin ang pag-iisip tungkol sa nangyari kahapon. Para bang naging okupado pa nito ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay.
"Napagkamalan mo yata iyong Big Boss sa Boss, Sheeva." Ngiti ni Kuya Arman nang nagkita kami sa pantry. Natigilan ako sa paglalagay ng butter, bothered na sa sinabi niya. Tumabi siya sa akin para samahan ako sa pagmemeryenda. Pahiyang-pahiya pa rin ako hanggang ngayon. Mabuti na lang talaga at hindi naman nagkakatagpo iyong mga landas namin noong tunay na CEO, nakakahiya naman kasi talaga.
"Oo nga e, akala ko kasi..."
Ginulo naman ni Kuya iyong buhok ko, pero inayos ko naman pagkatapos saka ako nag-abot ng tinapay kay Kuya na nilagyan ko na nang butter. Napapatitig nga ako sa pintuan sa tuwing may pumapasok, sa pag-aakalang magkakatagpo ulit kami ni Sir Hawk.
Kaya pala ang yabang e.
"How old is he, Kuya?" Maya't tanong ko.
"He's 34, and free." Ngisi niya.
Napanguso naman ako. Iyong age lang naman ang tinanong ko. Pakialam ko naman kung single siya? Basta, malaman ko lang na single si Sir Gracia, masaya na ako. Iyon lang naman.
"Natahimik ka diyan? Crush mo na ba iyon?"
"Kuya?!" Nagulat ako sa sinabi niya, ngunit mas nagulat ako noong pumasok ang tunay na Boss. Kaya pala ang matured ng katawan at mukha niya kasi gurang na.
"Good Morning Sir!" Tayo ni Kuya, tumayo na rin ako. At bumati rin. Nahihiya pa rin ako pero kita ko namang wala siyang pakialam. Tumabi pa nga siya sa amin ni Kuya Arman at sumamang nagmeryenda. Medyo nakakailang. Lalo na at nalaman kong hindi lang pala siya ordinaryong empleyado ng kompanya.
Boss ito! The Big Boss!
"Kumain ka pa." Maya'y sabi niya. Nalukot ang mukha ko at napadighay, natigilan siya at napailing saka ngumisi.
Gusto ko na yata tumakbo palayo kasi napahiya na naman ako. Sa lahat ba naman ng pagkakataon ay sa harap niya pa. Palagi.
"Aalis na po ako..." tumayo na ako, tumango lang ito at hindi nag-angat ng mukha. Sumenyas naman ako kay Kuya Arman saka naglakad palabas, noong nasa labas na ako ay nagtatakbo naman ako patungo sa Floor namin. Nagpapadyak nga ako sa inis sa loob ng elevator. Parang gusto kong mandurog ng kung ano dahil sa inis na nararamdaman.
Bakit ba palagi na lang?!
Binilisan ko nga ang trabaho. Kung noon gusto kong nagtatagal dito, ngayon parang alam ko na kung bakit atat na akong umuwi. Ipinapanalangin ko na lang talaga na sana tumagal pa ang isang Linggo. Ayaw ko na ngang pumasok kung pwede lang. Kaso kahit anong hiling mo pala, pag gusto mong dinadahan-dahan ang mga araw, mas lalong napapabilis. Tulala nga ako habang nasa harap ng photocopier. Ini-scan ko yong ibang documents para raw sa meeting mamaya. Busy iyong mga tao kasi monthly report na. At ang dami ko ring kailangang i-photocopy na mga papeles.
Tumayo ako pagkatapos ng lahat. Binigay ko naman sa mga katrabaho ni Kuya iyong mga ipinakiusap nila sa akin. Wala namang problema maliban lang talaga dito sa huling papeles. Kailangan kong umakyat hanggang 15th Floor kasi nandoon pala ang tunay na office noong Big Boss. Nangangatog na nga ako pero dahil trabaho, kailangan kong kumalma.
Kumatok ako sa glass door, wala tao sa labas. Open Lobby iyon, supposedly dapat nasa table sa labas iyong secretary, pero siguro may importanteng ginawa lang kaya missing in action.
Bumukas ang pintuan at mula roon ay nagulat ako nang nakita siyang namumungay ang mga mata at magulo ang buhok. Pero kulang pa rin ang gulat nang nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya! At syempre ng hubad niyang katawan, hanggang bewang. Namumutok sa muscles, kumikintab at ang lapad nga talaga. Nanlalaki tuloy iyong mga mata ko habang pabalik-balik sa itsura at katawan niya. Glorious! Para bang init na init siya.
"S-s-sir..." para bang machine na nauutal ako sa harap niya. Naninigas ang bibig ko. Hindi ako makalunok.
"Eyes' up, Sheeva." Sabi niya.
Para naman akong maiiyak, kaso parang nagpalpitate iyong mga mata ko at pabalik-balik pa rin sa katawan niya.
"Damn..." rinig ko na bulong niya, lumingon siya sa loob. Saka lumabas.
Parang jelly na nanlalambot ang mga tuhod ko. At napahawak ako roon sa island counter ng table noong secretary. Putek! Nagmumukha na talaga akong paslit sa tabi niya, ang tangkad niya talaga. Kung 6'0 ft si Sir Gracia, malayong nasa 6'2-6'4 ito. Kung tutuusin, malaking mama naman siya e.
"What is it?" Pormal na tanong niya. Lunok pa rin ako ng lunok bago nanginginig ang kamay na inabot sa kanya iyong wrap ng mga papeles.
Tumawa siya ng kaonti, siguro napansin niyang parang kinukuryente iyong kamay ko. Ako nga e, nagiging abnormal iyong mukha kasi pabalik-balik na naman sa itsura at katawan niya iyong mga mata ko.
"I said, eyes' up Sheeva. Hindi lang katawan ko iyong makikita mo diyan..." iling niya.
Kumunot ang noo ko.
"Eyes' up," buntong hininga niya, para bang naiinitan. Nag-iinit din iyong ilalim ng mga mata ko, ano.
"Tumitigas na iyong t**i ko sa pinaggagawa mo."
Reflex ko yata ang kumilos at sinuntok siya sa braso bago tumakbo papunta ng elevator. Narinig ko na humagalpak siya ng tawa.
God! Lord! Patagalin niyo naman sana ang weekdays ko.
Iyon lang ang lagi kong hinihiling sa tuwing lumilipas ang araw. Gusto kong patagalin iyon, iyon bang it takes forever ang peg. Kasi kahit papa'no maiiwasan ko iyong nangyari nong isang Linggo. At makakaiwas na rin ako sa kanya.
But that... is impossible.
Lalo na dahil under their company iyong scholarship na tinanggap ko. At isa pa... hindi lang naman ako ang scholar noon. Alam ko meron pa, pero nasa ibang department. Ni hindi ko pa nakikilala. Gusto ko sanang makikala ng personal para nama'y may kakampi ako rito. Pakiramdam ko e pinaglalaruan ako ng tadhana. Na hindi naman yata makatarungan. E buti sana kung may patutunguhang mabuti.
Naglalagay ako ng ink nang napasigaw ako sa gulat. Kumalat iyong ink at nalaglag sa sahig. Nanginginig iyong kamay ko nang pinulot at inalis sa dumi iyong mga papeles. Naiiyak ako sa nerbyos. Alam ko kung anong laman noon. At mukhang, mapapagalitan ako mamaya...
"Patay... patay..." naluluhang bulong ko sa sarili, nanginginig pa rin ang mga kamay. Nagkalat na nga sa kamay ko iyong kulay itim na pinta.
"My mistake..."
Unti-unting napanganga ako noong sumilip sa gilid ko. Nakikitulong din siya sa pagliligpit ng mga nabasang papel. Ako nama'y biglan ninerbyos. Kinakabahan na naman... kasi napapahiya pa rin ako sa nangyari.
"I'll ask the employees to retrieve these documents so you don't have to worry anymore." Ngiti niya, iyong ngiting may kasamang nakakainis na alaala.
Nanlalaki pa rin iyong mga mata ko at mabilis na nag-ayos saka tumayo at parang trumpong nagmamadali ako sa paglalakad papunta ng restroom.
Titi... Kaloka! Para siyang p***s na naglalakad sa paningin ko. Kadiri naman at hindi ako interesado roon.
Kaya nga siguro, by any means, ginagawan ko ng paraan na makaalis kung nasaan siya. Gamay ko na nga yata lahat ng sulok kung nasaan siya lagi. Lalo na ang pantry. Alam na alam ko na rin kung kailan siya naroon. Lalo na pag Sunday. Kaya di na nakakapagtaka kung nasurvive ko iyong first sem nang hindi siya masyadong nakikita. Mas mabuti na iyong ganoon kesa naman laging naaabala ang trabaho ko dahil sa nerbyos na nararamdaman ko.
"Anong ganap?" Tanong ni Yen nang nagkita kami sa isang party ng kaparehong kakilala, pinsang buo ko si Yen sa father's side, kaya alam niya rin iyong mga nangyayari sa pamilya. Lalo na kung bakasyon. Siguro iyon lang din ang tinatanong niya.
"Hindi ko pa alam... siguro, beach?"
Tumango siya at umayos ng upo. Napangisi nga ito nang may naulinigan sa malayo. Masyadong malayo talaga kung manamit iyong mga pinsan ko kesa sa akin, sunod kasi sa uso. Mas mabilis na natuto kesa sa akin. Sa tingin ko nga ay late bloomer ako. At sadyang natuto lang mag-ayos nang nagka-crush.
"Crush ko iyan..." turo niya sa maputing lalaking dumaan sa malayo. Napatango nga ako, "... Pero ikaw iyong crush." Iling niya.
Nalaglag ang panga ko at tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong punto ng sinabi niya. Crush ako noon? Trip ba ito? Kasi hindi ko naman siya kilala. Malayong hindi talaga kilala.
"Yen, anong trip na naman ito?" Iling ko.
Kumibit balikat siya at sumandal sa upuan. Inayos niya rin iyong strap ng fitted spaghetti blouse niya. Saka lang ako binalingan nang dumami ang mga tao.
"Sinasabi ko lang, Sheeva. Kasi sa tingin ko, blind ka sa mga nangyayari sa palibot mo. And I don't know why you changed suddenly. May nagugustuhan ka na ba?"
Uminit iyong pisngi ko sa narinig. May crush na nga ako! Pero wala pa ako ni isang sinasabihan kung sino iyon. Nahihiya pa rin akong mag-open up dito sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi paglalaruan lang ako ng lahat pag sinabi ko na. Pakiramdam ko kakalat iyon.
"Oy, may crush ka nga?!" Nanlalaki ang mga mata niya, nakatuko siya sa table at buong atensyon na tinuonan ako. Pakiramdam ko nga e nasa grill session ako sa sobrang init na nararamdaman.
"Sabihin mo! Sino?! Please sino?!" Niyugyog niya na ako nang tuluyan. Napatingin ako sa gilid at nagulat noong nakita iyong lalaking tinutukoy kanina ni Yen, laglag ang panga at naka-ere ang pagkain na hawak.
Mas lalo tuloy nag-iinit iyong pisngi ko sa panggigisa sa akin ni Yen. Hindi ko sasabihin. Period.
"W-wala! Ano ka ba!" Mapaklaw na tawa ko bago ininom ang drinks na nasa harap, kaso nabilaukan ako noong parang ilaw na may dalawang lalaking naglalakad sa bungad at puro bati ng mga kakilala ang natatanggap.
Gusto ko tuloy magtago sa ilalim ng table. Iyong siguradong kahit dulo ng damit ko ay hindi nila o niya makikita. Sa lahat ba naman ng oras? Dito pa talaga?
Naglalakad na Titi... ay s**t! Nabubullshit na ako sa nangyayari. Napakaunfair nga naman! Bakit ba paulit-ulit iyon sa isipan ko?
"Oooh? Wow! Parang alam ko na kung sino..." ngisi niya.
Napanganga na nga ako ng tuluyan at tumitig sa pinsan na buong pusong nakatitig doon sa mga bagong dating. Napakaliit talaga ng mundo.
Tumayo ako at naglakad-lakad sa likod ng venue. Gusto ko iyong nandito lang ako at tumitingin-tingin sa paligid. Pakiramdam ko hindi naman ako makakahinga ng mabuti kapag nandoon ako at nasa iisang space lang kami ng lalaking iyon.
Alam ko, na sa punto na 'to, ay Boss siya ng pinsan at Kuya ko. Pero tama ba namang sabihan niya ako ng ganoon? Na parang simpleng bagay lang na pwede niyang sabihin, "Oy, pahawak naman ng t**i ko." At ang gago lang.
Mahihimatay yata ako sa mga natutuklasan at naririnig.
Napaupo ako sa isang upuan na malapit sa pond, napatitig ako roon sa malayong puno saka tumayo at inayos ang sarili. Kaso natigilan ako noong may humila sa kamay ko at pwersahan akong iniupo sa bench. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nang tumitig sa mga mata niyang naturalesang naniningkit.
Nakaawang iyong labi ko at saglit na nahuli ko siyang napatitig doon bago ngumisi at muling tumitig sa mga mata ko.
"Akala mo yata hindi kita napapansin na iniiwasan mo ako, Sheeva. What's the catch?"
Gulat na gulat pa rin ako, ayaw umalma ng mga brain cells ko sa nangyayari. Hindi dapat ganito e! Hindi ko dapat siya kinakausap! At lalong hindi niya dapat akong kinakausap. Ano na lang ang sasabihin ng lahat?
"H-hindi kita iniiwasan, ano?!" Gulantang na sabi ko.
Kumunot ang noo niya, para siyang anime version sa paningin ko na nagmukhang tao. Hindi gay... hindi rin good guy. Kaso ang bad—bad—bad boy niya.
"Ah, kaya pala panay tago iyong ginagawa mo sa office."
Nagulat ako sa sinabi niya, halata na ba masyado? Ganoon ba iyon?
"Bakit nga?" Kulit niya pa.
Halos lumuwa iyong mga mata ko nang aksidenteng hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Sa kakahila ko ay kumikiskis iyon sa sout ng niyang pants.
And I swear!!! May nararamdaman akong bukol! Kaloka naman si tanda!! Minamanyak yata ako ng pasimple.
"Iyang t**i mo! Pipisatin ko!" Agad na nag-init ang batok ko nang na-realize iyong sinabi ko.
Napaawang din ang labi niya ngunit kalaunan ay napalitan ng tawa.
"Ikaw pala itong bastos, e."
Napatakip mukha na lamang ako.